Georgina Wilson at top bands pupunta sa Ginuman Fest sa Davao

MANILA, Philippines - Maghe-headline ang 2013 calendar ng Ginebra San Miguel na si Georgina Wilson at ilan sa pinaka-popular na local bands ngayon sa second stop ng Ginuman Fest na magaganap sa Davao City sa Feb. 1 (Biyernes).

Kasunod nito ang Tarlac City opener ng Ginuman Fest na humakot ng santambak na crows na halos umabot sa 12,000. Makakasama ni Georgina on stage ang The Itchyworms, Callalily, Rocksteddy, at dance sensation na si Jhong Hilario sa Damosa Market Basket Parking Area sa Davao.

Sina Georgina Wilson, Anne Curtis, Maja Salvador, Solenn Heussaff, Paulo Avelino, at Dingdong Dantes ay ang brand ambassadors na magiging bahagi rin ng ilan sa mga Ginuman Fest legs nationwide.

Bukod sa world-class na musika at tugtugan, may tsansa rin ang spectators na manalo ng raffle prizes na aabot hanggang P100,000 sa bawat event. At sa recent Tarlac opening event, nanalo ang housewife na si Rodelia D. Rivera ng P50,000 grand prize.

“Napakalaking tulong ang naibigay ng Ginebra sa akin at sa aking pamilya. Very grateful at thankful po ako sa Ginebra San Miguel,” sabi ni Rivera na balak gamitin ang kanyang napanalunan para magtayo ng isang maliit na negosyo.

Available rin ang Gran Matador Brandy, Antonov Vodka, at ibang nonalcoholic beverages sa mga venue.

Bibisita rin ang Ginuman Fest sa San Fernando, La Union (Feb. 16); San Pedro, Laguna (Feb. 23); Cebu (March 1); Antipolo (March 9); Pampanga (March 16); Santiago, Isabela (March 22); Kalibo, Aklan (April 12); Dasmariñas, Cavite (April 19); Lipa, Batangas (April 26); Solano, Nueva Vizcaya (May 17), Lucena, Quezon (May 24); Naga, Camarines Sur (May 31); at sa Metro Manila (June 8).

Ang Ginuman Fest ay bilang pasasalamat ng Ginebra San Miguel, Inc. sa milyun-milyong kalahi na siyang dahilan for making its flagship product, Ginebra San Miguel, the world’s largest-selling gin. Taong 1834 pa dumating ang produkto kaya ipagdiriwang na nito ang 180 anibersaryo sa 2014.

Show comments