MANILA, Philippines - Noong nakaraang Sabado (January 26), ipinalabas na sa Tropang Potchi ang awarding ng Potchilikula: Film Festival for Kids 2012 na ginanap sa Studio 7 ng GMA.
Ang Potchilikula ay isang film festival tampok ang mga batang filmmakers na may edad 10-12. Mula sa forty three (43) students na lumahok sa workshop na naganap noong nakaraang Disyembre, anim (6) ang napili na maging bahagi ng kumpeÂtisyon at nagkaroon ng pagkakataon na gumawa ng pelikula gamit ang smartphones tungkol sa kung ano ang nagpapasaya sa batang Pinoy.
Nanalo ng Ka-Potchi Paborito Award ang pelikulang Ang Paglalaro nina Juan, Miguel, at John ni Jeziel Bulacja ng BacÂlaran Elementary School kasama ang kanyang director-mentor Gino Santos at ka-potchi Nomer Limatog.
Samantala, napunta naman kay Christien Abbey Esguerra ng Rincon EleÂmentary School ang Best Potchilikula Story. Ayon kay Abbey na ngayon ay nasa Grade 6, ang kanyang lola ang naging inspirasyon ng kanyang pelikula. LaÂking pasasalamat din niya sa kanyang director-mentor King Baco na matiyagang nagturo at nagbigay sa kanya ng instructions.
Umuwi namang grand winner si Maria Juana Reyes ng Malabon Elementary School dahil nakuha niya ang Potchilikula Best Director at Potchilikula Best Film awards para sa pelikulang Ang Piano ni Maddi. Hindi makapaniwala si Maria sa kanyang pagkapanalo dahil mula sa simpleng inspirasyon na draÂwing ng piano ay nakamit niya ang dalawang awards. Nagpapasalamat din si Maria sa kanyang director-mentor na sina Ogi Sugatan at ka-potchi Miggy sa mga ibinahaÂging tips sa paggawa ng script at pagkuha ng tamang anggulo. Bukod sa paÂngarap na maging isang flight stewardess, nais din ng Grade 6 student na ito na makagawa ng mga fantasy at magical na mga pelikula.
Bukod sa mga ka-potchi natin na sina Julian Trono, Miggy Jimenez, Nomer Limatog, Sabrina Man, Lianne Valentino, Bianca Umali, at Lenlen Frial ay nakisali rin sa awarding ang mga Kapuso stars na sina Frencheska Farr at Alden Richards. Nagbigay suporta rin ang ilang Kapuso stars sa kanilang pagsagot sa kung ano ang nagpapasaya sa batang Pinoy.
Samantala, ngayong Sabado (February 2), samahan ang buong barkada sa kanilang extreme adventure sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ilan na nga dito ang rapelling sa Tanay, wakeboarding sa Laguna, Hobie Kayaking sa Subic, couch surfing sa Batangas, surfing sa Ilocos Norte, at ang napakaraming zipline adventures around the Philippines.
Mapapanood ang Tropang Potchi tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng Dragon Ball sa GMA7.