^

PSN Showbiz

John Prats umaasang magiging maligaya kay Isabel

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Ngayon lang parang pinag-iisip ni John Prats kung naging maligaya siya sa piling ng huling girlfriend na si Bianca Manalo. Ito ba ang pinatutungkulan ng mga pahayag niya? At si Bianca nga ba ang sinasabi niyang nakasakit sa kanya in the past? O si Shaina Magdayao?

Whatever, sana nga maging maligaya siya kay Isabel Oli. Sana matagpuan niya rito ang hinahanap niya sa babae na nahihirapan siyang matagpuan. Good luck na lang sa kanya.

 

Dennis at Cristine totoong nagkabalikan?

Bakit parang walang tigil ang isyu nang sinasa­bing balikan nina Dennis Trillo at Cristine Reyes? Sana mas alam na nilang alagaan ang relasyon nila the second time around kung nagbalikan nga sila ha dahil iba naman ang sinasabi ni Cristine.

 

Daiana Meneses hanggang PR lang ang kasal?

We only wish Daiana Meneses good luck sa kanyang relasyon sa isang congressman. Siya ang unang nag-announce ng kanilang napipintong kasalan na naurong dahil hindi makakadalo ang kanyang ama. sa kaugalian ng mga Brazilian ito ay dapat pre­sent sa kasalan.

Mabait si Daiana at ibinuhos na ang panahon sa paghahanda sa kanyang kasal. Sana matuloy na ito in the near future.

‘Wag naman sanang hanggang press release lang ito. At pagkatapos ng eleksiyon ay hiwalay na rin sila.

BIANCA MANALO

CRISTINE

CRISTINE REYES

DAIANA MENESES

DENNIS TRILLO

ISABEL OLI

JOHN PRATS

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with