ABS-CBN, pinakapinarangalan sa Gandingan 2013
MANILA, Philippines - Muling humakot ng parangal ang ABS-CBN sa ginanap na Gandingan 2013: 75th UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards kabilang na ang dalawa sa pinakamataas na pagkilala bilang most Development-Oriented TV station para sa ABS-CBN at Best AM station para sa DZMM.
Nakakuha ng 21 parangal ang ABS-CBN kumÂpara sa GMA na nanalo ng 13, kaya naman nanaÂnatiling pinakapinarangalan at pinakanangungunang TV station pa rin ang Kapamilya Network para sa mga estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa loob ng pitong taon.
Wagi ang mga programa at personalidad ng ABS-CBN News and Current Affairs na kinabibilaÂngan ng Rated K bilang Best Magazine Program; Korina Sanchez bilang Best Magazine Program Host; Umagang Kay Ganda bilang Best Morning Show at mga host nito bilang Best Morning Show Hosts; Ted Failon bilang Best Investigative Program Host para sa Failon Ngayon; The Bottomline with Boy Abunda bilang Best Development-Oriented Talk Show at host nito na si Boy Abunda bilang Best Development-Oriented Talk Show Host; at ang MatangÂlawin bilang Best Educational Program.
Kinilala rin ang AM at FM stations ng ABS-CBN na DZMM at Tambayan 101.9 sa radio categories nang manalong Best AM Announcer si Ted Failon para sa Failon Ngayon sa DZMM; Most Development-Oriented AM program naman ang Radyo Negosyo; Best Disc Jock si DJ Cha-Cha at Most Development-Oriented FM Program ang Anong Meron?
Bagamat wala na sa ere ay nanalo pa rin ang lifestyle program ng Studio 23 na Us Girls bilang Best Women-Oriented Program habang ang hosts nito na sina Angel Aquino, Chesca Garcia-Kramer, at Iya Villania ay kinilala naman bilang Gandingan ng Kababaihan.
Samantala, muli namang pinarangalan si Kim Atienza bilang Gandingan ng Edukasyon at GandiÂngan ng Kalikasan; si Carl Balita bilang Gandingan ng Kabuhayan; at ang ABS-CBN bilang Gandingan ng Pinilakang Tabing sa dalawang magkasunod na taon na.
Ang Gandingan Awards ang taunang awards program ng UP Community Broadcaster’s Society sa UPLB. Mahigit isang libong estudyante ng UPLB ang bumoboto taun-taon ng mga programa at persoÂnalidad na nagtataguyod ng mga isyu para sa kaunlaran.
- Latest