MANILA, Philippines - Japanese ang tema ng Party Pilipinas noong isang Linggo at timing naman nasa bansa ang Japanese actor/producer na si Jacky Woo. So, naisipan ng production staff na imbitahan si Jacky for a production number. Hindi naman tumanggi ang foreign actor at matiyaga pang nag-rehearse at tumulong para mapaganda ang number na kasali siya.
Kaya noong Linggo sa Party Pilipinas ay matagumpay na nagawa niya ang production number na sinalihan niya. Sobrang natuwa at naaliw ang mga nakapanood sa kanya lalo na ang production ng Party Pilipinas noong Linggo sa pangunguna ni Ms. Bang Arespacochaga.
Maski ang ibang artista ay nagulat dahil ngayon lang nila nakita si Jacky na sumayaw. Hindi nila alam na bukod sa pag-arte ay magaling pa itong sumayaw at kumanta. Kaya ngayon pa lang ay pinag-iisipan ng staff kung ano ang next concept na puwede nilang isali muli ang game na Japanese actor.
Nag-beg off naman si Jacky Woo sa role na ibiÂnibigay sa kanya sa upcoÂming afternoon serye na Tatlong Ina Isang Anak bilang asawa ni Jackie Rice. Natatakot siya na hindi kayanin ang taping scheÂdules dahil sa ibang trabaho niya sa Japan.
Sabagay, unpredictable ang taping schedule nila sa Pilipinas at ayaw ni Jacky na siya ang maging cause ng problema sa production.
Tuloy pa rin si Jacky sa pagÂlabas sa Bubble Gang at sa mga indie movie niya.
Atty. Persida kuntento na sa PAO
Itinanggi naman ni Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office (PAO) na may balak siyang pasukin ang pulitika. Maligaya na raw siya sa kanyang ginagawa bilang punong abogado sa PAO.
Marami raw ang naghihikayat sa kanya na pasukin ito pero happy na siya sa kinalalagyan niya ngayon. May programa siya sa TV5 at kaya para siyang artista na kilala ng mga tao sa tuwing makikita siya sa labas.