MANILA, Philippines - Sizzling ang Sunday afternoon sa Party Pilipinas Ssshhh dahil lagpas sa 100 stars ang makikita sa kanilang sexiest na suot ever!
Uumpisahan ang salitang sexy sa cast ng bagong Peque Gallaga masterpiece, ang Seduction. Abangan ang maanghang na number ni Solenn Heussaff habang may birthday celebration naman si Richard Gutierrez.
Kung may seduction, may temptation naman sina Dennis Trillo and Glaiza de Castro, ang mga bida sa Temptation of Wife. Hindi pa tapos ang kaseksihan dahil may ipapakita rin sina Carla Abellana, Heart Evangelista, Lovi Poe, Rhian Ramos, Bela Padilla, Andrea Torres, Max Collins, at Kylie Padilla.
Hindi naman magpapatalbog ang boys. Birthday din ni R&B Prince JayR at magpapakilig ang Keso Boys na sina Elmo Magalona, Jake Vargas, Steven Silva, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Ruru Madrid, at Alden Richards.
Abangan din ang titillating stories mula sa love guru na si Jennylyn Mercado sa Love, Party Pilipinas. Marami pang mangyayari sa Party Pilipinas Ssshhh ngayong Jan. 27 sa GMA.