Ngayon, higit kailanman ay kitang-kita na ang pag-indayog sa kalawakan ng popularidad ng current Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon. Bukod sa araw-araw niyang exposure sa Eat Bulaga at ang pagpapasikat ng sayaw na chacha na nakabuka ang bibig, may komersiyal na rin ang nakatutuwang bagets na at home na at home sa pagko-co-host ng EB, ito ang Mister Donut kasama ang isa pang Kapuso na si Michael V. na matagal nang endorser ng nasabing donut chain.
May isa pang TV commercial na nakatakdang gaÂwin ang bagets na nakabili na ng sasakyan at hindi na kinakailangang mag-commute para pumunta sa kanyang places of work. Bukod sa telebisyon, maÂganÂda rin ’yung ginawa niyang pagÂsabak sa Si Agimat, si Enteng KaÂbisote, at Si Ako. Habang ang maÂraming bata na nakasama sa pelikula ay parang dumaan lamang sa harap ng camera. Maganda ’yung role niya at hindi maiiwasan na hindi mapansin dahil mahaba at mahalaga. Kapag nabigyan pa siya ng isang regular show, tulad ng gagawin ni Bossing Vic Sotto, ka-partner na si Glaiza de Castro para sa GMA 7, mas lalong lalaki ang pangalan ng batang taga-Pampanga na hinuhulaang maÂgiÂging susunod na Aiza Seguerra hindi lamang sa kasikatan kundi maging sa talento.
John Lloyd kampante na sa kitang milyun-milyon sa Kapamilya
Hindi na kailangang mag-ober da bakod pa ni John Lloyd Cruz para magka-talent fee ng milÂyun-milyon. Ito na ang halaga na tinatanggap niya kada taon sa Kapamilya Network. At baliÂtang siya ang highest paid ng network. Puwera pa raw dito ang mga endorsement niya ha?
Kaya naman kampante ang aktor sa kanyang tayo sa kanyang network. Hindi rin siya dapat maÂngimÂbulo sa mga kapwa niya artista na napa-pirate ng ibang istasyon, alagang-alaga siya ng Kapamilya Network.
Showtime may P1M nang ipinamimigay!
Hindi rin naman nagpahuli ang noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime sa dalawang kalaban nilang programa kahapon. Maraming segments din ang idinagdag dito na naglalayong mas mapasaya pa ang mga manonood. Bagama’t hindi sila nakipagsabayan sa pagpapakawala ng pera sa kanilang mga kalaban, sa entertainment bumabawi ang programa na host sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, at marami pang iba. Game rin na nakigulo ang love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa Sine Mo ’To habang nagbigay ng isang world class performance si Arnel Pineda.
May celebrity edition na ang Bida Kapamilya tuÂwing Lunes at Martes at finals naman tuwing SaÂbado. Dito magpapasikatan mismo ang mga hinahangaang artista at ang kanilang pamilya. At kung inaakala n’yo na patatalo ang grupo pagdating sa mga cash prize, pwes, nagkakamali kayo! P1M na ang mapapanalunan sa Arte Mo segment na may celebrity mentors.