“Stay happy, stay healthy, and stay pretty†ang message ni Richard Gutierrez sa kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati nang mag-guest siya kaÂhaÂpon sa Startalk.
Short but sweet lang ang mensahe ni Richard dahil madalas silang nagkakausap ni Sarah sa Skype at Facetime.
Ang sipag-sipag ni Richard na mag-promote ng Seduction, ang pelikula nila nina Sarah at Solenn Heussaff na ipalalabas sa mga sinehan sa Jan. 30.
Mula sa Startalk, tumuloy si Richard sa SM Fairview para sa mall show ng Seduction na magkakaÂroon ng celebrity screening sa Martes. Bukod sa mga TV guesting at mall show, may theater tour si Richard sa opening day ng kanyang pelikula. Ganyan kasipag si Richard sa promo ng kauna-unahang daring film.
Nanay ni Julie Anne sinisisi ang sarili sa nawalang bag ng anak
Ang ninakaw na bag ni Julie Anne San Jose ang napagdiskitahan ko na itanong sa kanyang maÂdir na si Marivic nang magkita kami sa contract-signing event ng anak niya noong Biyernes.
Si Julie Anne ang endorser ng mga hair product ng Black Beauty na may logo na kabayo.
Anyway, iisang table ang puwesto namin ng madir na si Marivic. Mahihiya sa akin ang isang mahusay na imbestigador dahil sunud-sunod ang tanong ko sa nanay ni Julie Anne na para bang siya ang may kasalanan kaya natsugi ng magnanakaw ang bag ng kanyang anak.
Ang sey ng madir ni Julie Anne, nagpanggap na production assistant ang tsumugi sa bag ng kanyang anak. Kinuha ng magnanakaw ang bag ni Julie Anne at ibinalot sa damit ng young singer-actress para hindi mahalata ang krimen na ginawa niya. Itinaon ng magnanakaw na wala sa dressing room ang mag-inang Julie Anne at Marivic.
Dati nang iniiwan ni Julie Anne ang kanyang bag sa dressing room ng Party Pilipinas kaya kampante siya na hindi mawawala ang mga gamit niya at ’yon ang kanilang maling akala.
Sa estimate ni Marivic, more than P100,000 ang nawala sa kanyang anak at kung may ipinagpapasalamat siya, hindi ang bag niya ang tinangay ng maÂtingera. Kung pinairal ng magnanakaw ang kanyang matalas na pakiramdam, malalaman niya na limpak-limpak na datung ang laman ng bag ng nanay ni Julie Anne dahil kasisingil lamang nito ng malaking talent fee sa isang raket ng anak niya.
Moral of the story? Huwag mag-iiwan ng bag sa dressing room, lalo na ang bag na may laman na mga datung, alahas, cell phone, at kung anik-anik. Siguraduhin na bitbit ng mapagkakatiwalaan na personal assistant ang mga gamit na mahahalaga. Hangga’t maaari, huwag ihiwalay sa katawan at palaging tingnan ang bag. Higit sa lahat, iwanan sa bahay ang mga kadatungan, huwag nang dalhin ito sa mga showbiz event na pinupuntahan o kung ayaw iwan sa tahanan ang pera, i-deposito agad ito sa bangko.
Birthday ng bagong MTRCB chair naalala ng maraming artista
Belated happy birthday kay MTRCB Chairman Atty. Eugenio “Toto†Villarreal. Naging masaya ang birthday celebration ni Chairman Villarreal sa MTRCB office dahil sa pagdating ng mga artista na personal na bumati sa kanya.
Very positive ang mga comment na naririnig ko tungkol sa bagong hirang na MTRCB head. Katulad ni former MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares, asset si Chairman Villarreal ng pamahalaan ni P-Noy.