Sobrang na-in love pala ang isang magaling na aktres sa kanyang ‘anak’ sa isang serye. As in obsessed daw at dumating sa puntong pati ang nililigawan ng kanyang ‘anak’ (aktor) na isang aktres ay pinagselosan na ng magaling na aktres.
Pero hindi raw pinatulan ng aktor ang pagpaparamdam ng maÂgaling na aktres at tinapat na hindi sila bagay kaya tigilan na nito (magaling na aktres) ang panunuyo sa kanya.
Kaya ngayon daw, hindi na nag-uusap ang dalawa.
Wala munang clues. Pero madaling hulaan, pramis. Ang makakahula ng tama, may premyo. Hahaha.
Totoong indio lalabas na!
Finally lalabas na sa Lunes, January 28, ang inaabangang pagpapakitang-gilas ni Senator Bong Revilla Jr. bilang Indio. DalaÂwang linggo nang nasa ere ang kanyang kauna-unahang fantaÂserye pero hindi pa rin siya napapanood kaya marami na ang naiinip.
Pero heto sa Lunes na niya ipapamalas ang matitikas na kilos sa kanyang pakikipaglaban sa mga rebelde ng nasabing teledrama. Pinaghandaan niyang mabuti ang mga action scenes at kinailangan niya pang mag-workshop para maging pulido ang lahat.
Abangan ang Indio, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.
Atty. perSida Acosta, showbiz na showbiz na
Showbiz na showbiz na si Atty. Persida Acosta. Siya ang madalas maalala ng mga taga-showbiz tuwing may nagkakakaso.
Katulad ng isang writer na nakatanggap kamakailan ng info na ide-demanda raw siya ng isang aktres dahil hindi raw totoo ang sinulat.
Bilang wala namang makitang mali ang writer sa sinulat niya, hindi siya nangamba. At ang agad na naisip niya, kuning abogado ang namumuno sa Public Attorney’s Office para ipagtanggol siya. Gladly ayon sa writer, hindi pa man niya nasasabi sa mabait na abogada na kukunin niya ito para ipagtanggol siya sakaling ituloy ng aktres ang demanda, hindi na natuloy dahil wala nang narinig ang writer sa banta ng actress.
Ganun katindi ang dating ng PAO sa taga-showbiz. Siya ang naaalala.
Kung sabagay bago pa man siya nakilala ng mga taga-showbiz madalas na siyang naririnig sa mga radio na ini-interview dahil sa mga hinahawakan nilang kaso sa pamamagitan ng mediation at alternative dispute resolution. Bilang Chief ng Public Attorney’s Office (PAO) ng mahigit labing-isang taon, naging advocacy na niya ang mga paraang ‘yon bilang bahagi ng paglilingkod niya sa publiko.
At lalong lumaganap ‘yun nang kunin siya ng TV5 upang maging host ng public service program na Public Atorni. In fairness, naging instant hit ang programang ‘yon dahil sa kakaiba niyang paraan nang pagtulong sa nagkakagulong partido.
Dahil sa programa niyang ‘yon, umani ang PAO Chief ng maraming awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa telebisyon gaya ng Star Awards for Television, FAMAS Awards, Catholic Mass Media Awards at marami pang iba.
Pero sadly, hindi na napapanood sa Public Atorni sa TV5, inilagay na ito sa Aksyon TV, ang news channel ng TV5, at reply na lang ang mga episode na ini-ere.
Hindi naman daw siya apektado sa naging desisyon ng management ng Kapatid Network.
“Pero may plan pa rin daw na mag-taping. Gusto nilang palakasin daw ang Aksyon TV. Eh, ang oras ko, alas-siyete ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
“Ang sa akin diyan, ma-promote ang public service. Ma-promote ang mediation at alternative dispute resolution. ‘Yun ang para sa akin. Basta as long as ‘yung advocacy ko, naipalabas, very thankful ako,†pahayag ni Atty. Acosta.
Eh paano naman ang kita niya?
‘Di na raw importante sa kanya hindi man siya bigyan ng royalties o honorarium sa pauli-ulit na pagpapalabas ng nagawang episodes, wala na siyang care.