MANILA, Philippines - Pitong kusineras at kusineros na lang ang natitira para ipaglaban ang hamon ng kanilang buhay at pangarap sa top-rating na kusina seryeng MasterChef Pinoy Edition.
Tatlong linggo bago ang grand finale na pinamagatang MasterChef Pinoy Edition: The Live Cook-off sa Pebrero 9, nag-level up na ang tensiyon at pagpapakitang gilas ng Top 7 upang manaig sa panlasa ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, Chef Ferns, Chef Lau, at Chef Jayps.
Malayo na ang narating ng Negosyante Kusinera ng Bulacan na si Carla mula sa isang simpleng maybahay na inakalang ang mga kapamilya at kaibigan lang ang kaya niyang ipagluto. Sa MasterChef, itinuturing siyang isa sa mga pinakamalakas na kalaban ng mga kapwa kusinero dahil sa kanyang mga simpleng lutuin na may kakaibang twist, tulad ng sinigang na lechon kawali at pusit na pinalamanan ng Bicol express.
Kung gaano naman katingkad ang pagkatao at daÂting ng Kusina Fashionista ng Quezon City na si Ivory ay ganoon din ka-creative ang mga putaheng hinahain niya. Aminadong may kahinaan sa pagluluto ng Pinoy dishes, nagagamit naman niya ang kanyang naging paglibot sa iba’t ibang bansa sa kanyang mga inihahain gaya ng Caribbean embutido.
Kilala naman bilang palaban ang Rakistang Kusinero ng Benguet na si JR na siyang maituturing na pinaka-competitive sa grupo dahil sa kanyang lantarang pagkainis nang muling makapasok ang wildcard contestant na si Sonny Boy sa kumpetisyon. May ibubuga ang pagiging prangka ni JR dahil siya ang nagwagi sa special Christmas challenge na isa lamang sa individual challenges na pinangunahan niya.
‘Di tulad ni JR, tahimik naman ang Chef Accountant ng Muntinlupa na si Myra ngunit pinatunayan niyang matinik din siyang kalaban dahil laging pumapatok ang kanyang dishes sa judges. Kampante rin ang iba niyang kasama sa kanyang kakayahan kapag siya ang nagiging ka-grupo, lalo pa kung desserts ang kailangan nilang ihanda.
Lagi mang basted sa mga nililigawang babae, kilabot naman sa kusina ang Romantic Kusinero ng Laguna na si Reggie na isa sa MasterChef cooks na may pinakamaraming top dishes kabilang na ang bibingka deluxe, Pinoy-style shawarma, at longganisa sweet curry. Kaya niya pa kayang dagdagan ito sa mga susunod pang challenges?
Mula sa payak na buhay na kinagisnan sa probinsiya, angat ang galing ng Boy Labong ng Pampanga na si Ronnel lalo na kung classic Pinoy dishes ang pinag-uusapan. Kahit mahilig siyang mag-eksperimento at mag-imbento ng mga bago at kakaibang putahe, nagawa niya pa ring maghanda ng isang simple ngunit malasang nachos na itinanghal na top dish sa isang challenge.
Samantala, maaga mang natanggal si Sonny Boy sa MasterChef ay hindi siya nawalan ng fighting spirit at nagbalik bilang isang wildcard contestant. Bukod sa kanyang sikat na darak cookies, tumatak din ang Darak King ng Bataan bilang unang kusinerong nakapagluto ng top dishes sa dalawang magkasunod na challenges.
Sino kaya ang magtatagumpay sa huli upang makuha ang titulong kauna-unahang Pinoy MasterChef at P1 milyon?
Speaking of Pinoy Master Chef, nali-link pala ngayon kay Kris Aquino si Chef Jayps na last Wednesday ay nag-apir sa kanyang programa na Kris TV?
Si Chef na kaya ang sinasabi ni Kris na nagpapa-blush sa kanya lately? Eh maggi-guest pa si Kris sa programa sa Pinoy MasterChef kaya mas lalakas ang bulung-bulungan na si Chef Jayps na nga ang isa sa sinasabi ni Kris sa nagpapakilig sa kanya. Tatlo raw kasi ‘yun. Aside from Chef Jayps, sinasabing kandidato rin sa nagpapakilig kay Kris si Direk Lino Cayetano na kakandidatong congressman naman ng second district ng Taguig.
Pero may nagsabing mas malakas daw ang Chef.
Anyway, wala namang inililihim si Kris so pasasaan ba’t baka mamaya lang ay sasabihin niya na kung si Chef Jayps na or si Direk Lino nga ‘yun. Parehong walang girlfriend ang dalawang ginoo.
Eat Bulaga gamit na gamit
Uy, parang gamit na gamit naman ang Eat Bulaga sa promo ng nagbabalik na programa na WowoWillie. Sinasabi ni Willie Revillame na extension daw ang bago niyang programa ng Eat Bulaga. Ha, paanong nangyari? So dapat bang maningil ang Eat Bulaga sa TV5 kung ganun ang format nila?
Sana hindi na lang masyadong i-play up na extension ‘yun ng Eat Bulaga. Unless binigyan ulet ni Revillame ng Louis Vuitton bag si Joey de Leon at nagpaalam siya na magiging extension ng bagong programa niya ang pinakamantandang noontime show sa balat ng lupa. Hahaha.