MANILA, Philippines - Muling nanatili ang talk show host na si Boy Abunda bilang endorser ng Glupa whitening proÂducts, ayon sa isang pahayag ng manufacturer nitong Age Defying Solutions Philippines Corporation (ADSPHIL).
Sinabi ni ADSPHIL president/CEO Aiza J. Diuco-Soriano na isang breakthrough product ang Glupa at kailangan nito ng isang credible spokesperson na tulad ni Boy.
“Ang kredibilidad ni Boy bilang isang talk show at current affairs host ay sinasalamin ng kanyang katalinuhan na humahatak ng milyun-milyong manoÂnood sa telebisyon,†paliwanag ni Aiza.
Ayon sa pahayag ng ADSPHIL, nakumbinsi si Boy na iendorso ang Glupa Skincare product nang subukan niya ang iba’t ibang klase nito tulad ng Glupa lotion, soap and cream at Blister pack ng brand.
“Ang Glupa ay isang breakthrough antioxidant, anti-aging, at beauty-enhancement product line. Ang pinakamahusay na nagamit ko. Sa rami ng nagamit ko nang ibang skin whitening at anti-aging product, ang Glupa lang ang nagpatotoo sa sinasabi nito,†ayon naman kay Boy.
“Atubili noon si Boy na iendorso ang skin-whitening products dahil, para sa kanya, hindi siya porcelain-skinned china doll pero boluntaryo niyang ipinahiram ang kanyang personalidad sa Glupa dahil naniniwala siya sa produkto at, para sa kanya, ang Glupa ay nagbibigay sa market ng power of choice,†sabi pa ng lady executive.
Kasama rin ng multi-awarded TV host at talent manager ang model at fashion consultant na si Rima Ostwani.
Kung si Boy ang tinatawag ni Aiza na credibility card, si Rima naman ang beauty card ng kumpanya.
“She’s the benchmark of flawless, radiant, white skin that every Filipina aspires to have,†sabi pa ng Glupa boss.