Uunahin lang sa TV, Juan dela Cruz isasabong sa MMFF 2013

Magsisimula nang mapanood sa telebisyon ngayong buwan ng Pebrero ang bagong teleserye ng itinuturing na Prinsipe ng Primetime na si Coco Martin.

Pinamagatang Juan dela Cruz, sa titulo pa lamang ay hindi mo iisipin na isang fantaserye ito na puno ng adventure, fantasy, action, at maging ng comedy.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi paiiyakain ni Coco ang kanyang mga manonood kundi bibigyan ng excitement dahil iba naman ang mamamalas sa kanya sa serye. Mag-aaksiyon siya gamit ang apat na sandata na mapapasakanya para sa paglupig sa mga aswang na siyang pangunahing mga kalaban niya sa serye.

“Wala na akong panahon at pagkakataon na mapag-aralan ang paggamit ng espada, latigo, at pana. Mismong sa set na lang sa akin ito itinuturo. Pagkatapos kasi ng Walang Hanggan ay diretso na ako sa paggawa ng movie namin ni Julia Montes na A Moment in Time. Kinaila­ngan pa naming mag-shoot sa abroad. Pagdating dito ay tuloy na ako sa Juan dela Cruz.

“Mahirap ang maging Juan dela Cruz kahit ordinaryong tao lamang siya. On the other hand ay marami kaming pagkakapareho kaya nakaka-relate ako sa kanya. Pareho kaming nagkakamali, pero hanggang sa huli ay pinananatili namin ang kabutihan ng aming loob. Hindi kami perpekto, pero marunong kaming tumanggap ng aming pagkakamali. Ang pagkakaiba lamang namin ay hindi pareho ang aming pinagmulan,” ani Coco na humarap sa press para sa promosyon ng Juan dela Cruz kahit nasa kasagsagan pa siya ng shooting ng A Moment in Time.

Hindi na nga niya nagawang kumain at makipagtsika-tsika pagkatapos ng tanungan niya with the press dahil agad na siyang  hinila pabalik ng kanyang shooting.

Kung challenge ang role niya bilang bayaning si Juan dela Cruz, mas ma­laking hamon ‘yung gagawin ng Kapamilya Network na paglalagay sa serye niya  sa slot na kung saan ay mayroon ding kaparehong adventure series na ma­­ka­katapat siya. Pero hindi ito pinoproblema ni Coco dahil ang trabaho niya’y gam­panan ang kanyang role to the best that he can, let ABS-CBN take care of the competition. At sa malas naman ay confident sila sa kanilang produkto at satis­fied sa performance ng kanilang bida at ganda ng kanilang istorya.

Katulad ng naunang nabalita, talagang intended for the MMFF ang Juan dela Cruz, pero at the last moment, ay pinull out ito para mas mabigyan pa ng legs at strength. Dinisisyunang ipalabas muna sa TV at balak na sa MMFF 2013 ay gawin itong entry.

Angelica pinaulanan ng mga papuri

Ewan ko kung paano pa nagawang maupo ng tuwid na tuwid ni Ange­lica Panganiban sa mga papuring sinabi sa kanya ng isa sa direktor niya sa Apoy sa Dagat na si FM Reyes. Hangang-hanga ito sa performance niya sa nasabing serye kung kaya pinaulanan siya nito ng paghanga at tinawag na great actress. Ewan ko kung nag-overwhelm lamang si Angel, pero talagang wala siyang naisagot sa papuri sa kanya ng direktor.

Ang Apoy sa Dagat ay isa pa ring bagong tele­serye ng ABS-CBN na mapapanood sa Primetime Bida simula February 4. Isang love story ito  na sesentro sa buhay ni Serena na gagampanan ni Angelica.

Daniel ayaw pang maging Coco Martin

Bagaman at hindi na matatawaran ang kasikatan ni Daniel Padilla na hindi siguro kokontrahin ng marami kung sasabihin kong pinuno niya ang SMMOA Arena sa pagdaraos ng final stage ng basketball between Team Gino and Team Jao.

Kahit sabihin pang malaki ring bilang ang kotribusyon ng ibang kasamahan niya sa bilang ng mga pumuntang tao sa nasabing lugar, still hindi mapasusubalian na ang pinakamalaking bilang ay dinala niya run.

Kilala mo kung sino sila at saan sila nakaupo lalo’t nakaka-shoot at binabanggit ang pangalan ni Daniel. Wala silang kapaguran sa pagsigaw, pagpa­lakpak, at pagpadyak.

Pero sa kabila ng kanyang kasikatan, ayaw pang magseryso ni Daniel sa kanyang career. Tama na muna ‘yung pagpapa-cute niya. “Ayaw ko pang maging susunod na Coco Martin. Mukhang mahirap na trabaho ‘yung ginagawa niya. Hindi ko pa kaya.

‘Bigyan n’yo po ako ng ilan pang taon at hindi ko kayo bibiguin,” pangako ng nagdadala rin ng maraming manonood sa seryeng Princess and I. “Hindi lang po ako, kaming dalawa ni Kathryn (Bernardo, his partner),” tanggi niya.

Show comments