Ayaw parehong sagutin nina Ogie Alcasid at ng manager niya ang isyu ng paglipat niya ng network.
Nagtuturuan ang dalawa, pero hindi mapasusuÂbalian na may pinanggagalingan ang balita dahil kung hindi, madaling nawawala ‘yun at hindi magli-linger.
Pero because of the fact that hindi mawala-wala ang bulungan kung kaya sinasabi ng marami na may katotohanan ito at may basihan. Hintayin na lang natin na matapos ang kontrata ni Ogie sa Siete at lalabas at lalabas din ang katotohanan.
Daniel kailangang alagaan ang mukha
Naaksidente pala si Daniel Padilla at nagkaroon ng 14 stitches ang kanyang lower lip na nasiko ng isang player. Hindi naman sadya ‘yun at talagang aksidente lamang kung kaya walang sinisisi ang batang artista sa nangyari sa kanya. Pero sana hindi niya inilalagay ang kanyang sarili sa ganung sitwasyon. After all, ang mukha niya ang puhunan niya sa kanyang pag-aartista.