Maricel tikom na tikom pa rin ang bibig!

PIK: Mainit na tinanggap ang bagong MTRCB Chairman na si Atty. Toto Villareal na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kamakalawa ng gabi.

Nagkaroon ng salu-salo sa kanyang tanggapan na dinaluhan ng mga kasamahan niya at mga board members ng MTRCB at ilang celebrities gaya nina Pauleen Luna, Katrina Halili, Jovit Baldovino, Chariz Solomon, at Robi Domingo.

Ayon kay Atty. Toto, doble raw ang challenge sa kanya na sundan ang sinimulan ng dating Chairman Grace Poe-Llamanzares. Pero sisikapin daw niyang magampanan nang maayos ang bagong responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ni Pres. Noynoy Aquino.

PAK: Walang isyu kay Tito Joey de Leon  kahit tinapatan na sila ngayon ni Willie Revillame sa bagong noontime show na Wowowillie.

Ganun lang daw talaga ‘yun. Hindi na bago sa kanila na meron na namang tatapat sa Eat Bulaga. Ramdam naman daw nila na ang patuloy na suporta ng publiko sa Eat Bulaga.

Tinawagan naman ni Willie si Tito Joey at pormal itong nagpaalam at maayos daw silang nagkausap at sabi nga ni Willie, napaka-gentleman daw ni Tito Joey na tinanggap ang pagpapaalam sa kanya ni Willie.

BOOM: Tikom pa rin ang bibig ng kampo ni Maricel Soriano sa isyu nito kay Gerald Anderson at sa ABS-CBN 2.

Ang daming katanungang dapat sagutin ng dalawang kampo, lalo na ang tungkol sa kontrata ni Maricel sa ABS-CBN 2.

Ang pagkakaalam namin may dalawang pelikulang pinirmahan ito sa ABS-CBN 2. Kaya paano na iyun?

May mga obligasyon pa raw si Maricel na kailangang ma-settle gaya ng bahay na binili nito sa Rockwell.

Paano na raw iyun kung mawawalan ito ng trabaho sa ABS-CBN 2?

Sa ilang nakakausap namin, hindi na raw talaga magsasalita si Maricel at kahit anong statement mula sa kanyang kampo ay wala rin.

Kaya abangan na lang natin kung saan pa hahantong ito.

Show comments