Sen. Jinggoy iniisip na ring mag-teleserye
Tinudyo-tudyo ko pa si Sen. Jinggoy Estrada habang naghahapunan ito at hinihintay ang gagawin niyang pagpapasumpa sa mga bagong officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa napakabata niyang itsura ngayon. Kung nabataan ako kay Robin Padilla na hindi naging alangang maka-intimate scene si Anne Curtis sa bago niyang teleserye, mas guwapo at mukhang bata rin ng napakaabalang pulitiko ngayon. Sa halip na magmukhang haggard and stressed dahil nakikita naman natin at napapanood na isa siya sa pinakamasipag na kagawad ng Senado, pero hindi lamang siya mukhang mabango at bagong ligo, napakabata talaga ng itsura niya.
Nagpa-stem cell ka ba senador, paÂra kang mukÂhang 10 years younger?†ang medyo nahihiya kong tanong sa kanya na sinagot niya ng may kaÂsamang ngiti. “PuÂmayat lang ako. Nagsisimula na naman nga akong mag-gain ng weight. Kaya watch na naman ako ng diet ko,†sabi niya sabay subo sa kanyang walang rice na dinner of fried chicken and prawns.
Kung ganun ang itsura niya, bakit hindi siya gumaÂwang muli ng pelikula habang hinihintay na matapos ang limang buwang campaign period at makabalik siya sa kanyang trabaho sa Senado?
Sinabi niyang ito nga ang pinag-iisipan niya ngaÂyon. Iniisip niya kung anong klaseng pelikula ang gaÂgawin niya. Hindi niya kayang mag-produce ng isang mainstream movie na gagastos ng maraming milyon. Takot siyang matalo. At wala siyang ganung kalaking pera. May nag-suggest na mag-try siyang gumawa ng indie movie at binigyan pa siya ng mga mahahalagang info at suggestions ng mga taga-PMPC na dalawa sa mga miyembro nito ay nagawa na ring magprodyus at magdirek ng mga indie films.
Isang malaking come on sa senador ang nasabing maari na hindi man siya kumita sa gagawin niyang indie movie, malaki naman ang posibilidad na makilala ito at mabigyan ng award sa abroad. Sa ngayon, ang pagpili ng peÂlikula na maari niyang gawin habang nagpapahinga sa Senado ang pinag-iisipan niya.
Samantala, hindi pa niya masagot kung ano ang hakbang na gagawin niya kapag nakatapos siya ng ikalawa niyang termino bilang senador. Tatakbo ba siya for a higher position?
Brother’s Grimm binigyan ng PG 13
Sayang at maraming kabataan ang hinÂdi mapaÂpaÂyagang mapanood ang maÂituturing na pagtuÂtuÂloy ng istorya ng magkapatid na Hansel and GreÂtel sa fairy tale ng The Brothers Grimm na ginawan ng kasunod ng Paramount PicÂtures at MeÂtro Goldwyn Mayer dahil binigyan ito ng PG-13 ng MTRCB dahil sa madugong engkwentro ng magkaÂpaÂtid sa mga witches o mangkukulam.
Nagsimula ang pelikula nang makatakas ang magkapatid sa kamay ng isang maÂpaminsalang witch matapos silang iwan ng kanilang ama sa guÂbat. Sa pagpaÂpaÂtuloy ng kuwento ng fairy tale na kiÂÂaÂlugÂdan ng marami, naisip ng sumulat ng kuwenÂto na si Tommy Wirkola na gawin ang bagong HanÂsel and Gretel na mga witch hunter at ang kuÂwento nila ay mapupuno ng modern action and adventure.
Labinglimang taon na ang nakararaan. Binata’t dalaga na sina Hansel at Gretel. Mga witch hunter na ang magkapatid na ginagampanan nina JeÂreÂmy Renner ng Bourne Legacy bilang Hansel at GemÂma Arterton na guÂmanap ng isa sa mga baÂbae ni James Bond sa Quantum of Solace bilang GreÂtel. Misyon nila ang pukÂsain ang lahat ng mga mangkukulam. Bagaman at sanay na at kinikilala sa kanilang trabaho, mas maÂhihirapan sila sa pagsapit ng BlueMoon, isang pagtitipon ng mga witches na kung saan maraming bata ang gagawing alay. Para mapangalagaan ang mga bata, kinuha ng mayor ang serbisyo ng magkapatid. Itinalaga rin sa kanila na tapusin na ang pamumuno ng evil sorceress na si Muriel (Famke Janssen).
Hindi nakakatakot ang Hansel and Gretel, mas ang suspense na ibinibigay nito sa manonood na makikitang napapaigtad dahil sa resulta ng pagiÂging 3D ng pelikula. Kung nagustuhan n’yo si Renner sa Bourne Legacy, magugustuhan n’yo siya bilang Hansel. Mamahalin n’yo ang pagmamahalan nila ni Gretel bilang magkapatid.
- Latest