Maricel nanahimik!

Naglabas na ng statement ang ABS-CBN tungkol sa desisyon na alisin si Maricel Soriano sa cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahali.

Hinihintay naman ang statement ni Viva Films Big Boss Vic del Rosario bilang talent niya si Maricel na tahimik mula nang pumutok ang balita.
Imposibleng hindi na-depress si Maricel sa nangyari. Marami nga ang nanghinayang sa pagkawala niya sa isang magandang project, siya pa kaya ang hindi nalungkot?

Sayang talaga dahil chance na sana ni Maricel na makabalik sa showbiz at makapagtrabaho uli. Mas masarap ang maging busy sa work kesa walang ginagawa.

Dingdong tinamaan ng sakit

Hindi nakapag-taping si Dingdong Dantes para sa Pahiram ng Sandali noong Lunes dahil nagkasakit siya.

Nilagnat si Dingdong dahil nabasa siya ng ulan sa mall show ng Pahiram ng Sandali cast sa Sinulog Festival noong Sabado sa Cebu City.

Hindi kasi gumamit ng payong si Dingdong kaya nabasa siya. Hindi niya ginaya si Lorna Tolentino na may bitbit na payong nang umakyat sa stage.

Usung-uso pa naman ang sakit ngayon dahil sa pabagu-bago na klima ng panahon.

Sarah nakuha ni Sonny Angara

Si Sarah Geronimo ang endorser ni Senatoriable Sonny Angara.

Pumayag si Sarah na i-endorso ang senatorial bid ni Papa Sonny dahil  sa advocacy nito  na edukasyon para sa mga kabataan. Naniniwala si Sarah na mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng bayan kaya saludo siya kay Papa Sonny.

Meg mapalad sa Viva

Bago ko makalimutan, palabas ngayon sa mga sinehan ang Menor De Edad, ang pelikula ng certified virgin na si Meg Imperial.

I’m sure, kabadung-kabado si Meg para sa kanyang first big solo starrer.

Mapalad si Meg dahil binigyan siya ng malaking break ng Viva Films. Sa rami ng mga newcomer na sexy star, siya ang napili na maging star ng Menor De Edad at si Joel Lamangan lang naman ang direktor ng kanyang launching movie.

So watch ninyo ang Menor De Edad para maka­bawi naman kay Meg ang Viva Films!

Show comments