GEB pang-Hollywood ang ambiance!

MANILA, Philippines - Isa sa pinaka-effective na endorser ngayon ay si Derek Ramsay. Proven ang isang donut na ini-endorse niya. Balitang lumakas ang sales nila mula nang mapanood ang TV commercial na kasama ang aktor. Inamin ito mismo ng isang manager ng naturang donut store na tinatambayan din ng mga showbiz reporter.

So, ang suggestion ng press people sa owner ng G.E.B. (GRAND EYE BALL) Super Club, bagong tambayan ng showbiz na matatagpuan sa 184 Tomas Morato, Quezon City, kunin din nilang endorser ng naturang party place si Derek. Siguradong malaking factor ’pag ang Kapatid hunk ang kinuha dahil bagay ang lugar sa personalidad niya na sosyal, may breeding, pero malakas ang appeal sa masa. Siguradong parang kidlat sa bilis na dudumugin siya gaya ng Unleashed party ng G.E.B sa Friday, Jan. 25. Balitang dadaluhan ito ng mga bagets actors and actresses na mahilig sa nightlife.

Ang G.E.B. Super Club ang magbibigay ng ultimate experience sa lahat ng pupunta rito. Puring-puri rin ito ng ilang mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nung masampolan nilang mag-party rito at magtsikahan.

Say nga ni Alfie Lorenzo: “Kapag nasa loob ka nga ng GEB Super Club, para kang nasa bar sa Sta. Monica sa Hollywood with the same atmosphere.

“Tila may illusion pa ng wide interior gawa ng blue light. Nakatayo lang ang mga partygoer sabay kembot at indak sa modern music mula sa HD na sound system.”

Modernung-moderno ang loob at kahit celebrities ay puwedeng mag-party at mag-presscon dito.

Effective ang mag-bonding dito dahil tuwing Wednesday ay Ladies Night; Models Night naman every Thursday; Thank God It’s GEB every Friday na may magaganap na Unleashed party nga sa Jan. 25. 

May pasabog daw ang mga artistang dadalo at inimbitahan sa event na ito.Tuwing Sabado naman ang jampacked nooty grinding and bumping.

 

Show comments