Pokwang 16 years nang walang sex life

Nahasa na sa pagiging magaling na drama actress si Pokwang sa Aryana na dalawang linggo na lang at magtatapos na. Para sa kanya, memorable ang Aryana hindi lang dahil sa role na ina ni Ella Cruz kundi gayundin ang mga karanasan niya kasama ang buong cast sa walong buwang pagsasama nila.

Anang komedyante, “Mami-miss ko ’yung pagluluto ko sa kanila. Hinding-hindi ko malilimutan ’yung mga kakulitan at kuwentuhan namin ni Ella sa itinu­ring kong parang tunay na anak.”

Sa kabilang banda, may nagtanong kay Pokwang tungkol sa sex life nito. Sixteen years old na ang anak nito at naging loveless naman kaya ina­ming walang sex life sa loob ng labing anim na taon.

Kapag feel ni Pokwang na parang wala sa mood si Ella lalo na kapag isasalang na sa eksena ay ya­yakapin niya ito at balik-agad sa mahusay na pag-arte ang dalagita. Ganyan sila kalapit sa isa’t isa.

Huwag kaligtaang panoorin ang Aryana bago mag-TV Patrol dahil marami pang rebelas­yon.

Derek nangunguna sa ibang TV5 talents

Bongga ang ginawang paglulunsad ng mga bagong show sa TV5 para sa 2013. Na­ngu­nguna ang Kidlat tampok si Derek Dee ga­yun din ang mga co­ming show gaya ng Ala­bang Housewives, Wowowillie, Jeepney Jackpot, Hayop sa Ga­ling, Rescue5 and Aksyon Weekend, Never Say Goodbye, Bal­warte, FB: Forever Bar­kada, at Kanta Pilipinas.

May mga bagong seg­ment naman at twist sa Game ’N Go All Stars, Face to Face, at Good Morning Club.

Lumalaban na sa ABS-CBN at GMA ang TV5 at sa kasalukuyan ay may 19 TV at limang radio stations sa buong bansa which now co­vers 88.6% of the national ur­ban population at ina­a­sahang maaabot ang 100% target sa katapusan ng 2013.

Show comments