Ugali na ng maraming artista na magsabi ng sama ng loob kapag napapabayaan na sila ng mga kumpanyang pinagtatrabahuhan nila. Marami kasing kumpanya ang kuha nang kuha ng artista at pagkatapos ay kakalimutan na lamang yung mga naunang kinuha nila.
Hindi naman namimili ng roles yung nga nakakaligtaan, pero talagang nakakalimutan sila. Hindi bale kung freelancer nakakatanggap ng proÂjects sa iba, pero paano kung nakatali, magÂhiÂhinÂtay na lamang na maalala sila? Sa mga taga-Singko, marami. Tulad nina Jay Manalo, JC de Vera, Danita Paner, at marami pang iba. Wala naman silang magawa dahil nga nakatali sila sa kumpanya. Sana kapag ganito na ang sitwasyon, pinapakawalan na sila para naman makahanap sila ng pagkakakitaan sa iba.
Gerald madaling matakot!
Mukhang nalalagay sa alanganin ang pagiÂging maginoo ni Gerald Anderson. Marami ang duda kung mapapangatawanan niya si Maja Salvador eh hindi naman niya naitawid nun ang naramdaman niya kay Bea Alonzo at maging kay Sarah Geronimo. Ang dali niyang sumuko.
Nung maimbita siya sa The Buzz at sinabi niyang marami ang kumokontra kung magkakareÂlasÂyon sila, ibig sabihin daw ba ay aatras muli siya? Eh di totoong mahal niya si Maja. Ngayon, hiÂniÂhintay ng lahat na pangatawanan niya si Maja, at all cost. Kung hindi, hindi na sila bibilib sa kanya.
Nawawasak na pamilya sa showbiz dadagdagan yata nina Cesar at Sunshine
Habang hindi nawawala ang mga babaeng puÂÂmapatol sa may asawa, talagang walang pamilya ang matatahimik, taga-showbiz man o hindi.
Si Cesar Montano naman ngayon ang sinasabing pumatol sa isang niyang artista sa ginagawa niyang bioflick ni Mayor Alfredo Lim. Sa ginawang pag-amin mismo ng babae ay hindi nakapagtataka kung magalit si Sunshine Cruz. Na katulad din ng nangyari sa asawa ng boksingerong si Nonito DoÂnaire ay meron din daw kinalolokohang starlet?
Hindi magandang pangyayaring ito at tila nagkakasunud-sunod na. Hindi naman ako maniwalang hindi alam ng mga babaeng involved na may sabit na ang mga lalaking sinasabing “pinapatulan†nila. Kung nag-aartista sila, paano pa sila sisikat pareho? Kaya tama na ’yan. Putulin n’yo na ’yan bago pa kayo makawasak ng tahanan.