MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng isang makasaysayang season ng pinakamalaking reality game show sa telebisyon, ang Extra Challenge, muling babalikan ang mga pinaka ‘di malilimutang eksenang tumatak sa puso ng bawat manonood! Mula sa mga pinaka-nakakatawa, pinaka-nakakalula, pinaka-nakakadiri, hanggang sa pinaka-nakakaiyak na eksena, siguradong babalikan at sasariwain sa Saturday episode ng Extra Challenge!
At pagdating naman ng Linggo, magkapatawaran na kaya sina Angelen at Haydi sa Temptation of an Extra Wipe? O kailangan pang may mamagitang espesyal na bisita para matigil na si Haydi?
Siyempre, may bonus pa! Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, sasabak ang hosts na sina Richard Gutierrez, Marian Rivera, kasama si BooÂbay sa isang challenge na susukat sa tunay na tibay at kapal ng kanilang...mga mukha! Magkaka-alaman din kung sino sa tatlong hosts ang nagpagawa ng ilong!
Huwag palalampasin ang Season Finale ng Extra Challenge ngayong weekend, January 19 at 20, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA 7.