Herbal Diet Pills at CoolSculpt bagong pampapayat ng Belo!

MANILA, Philippines - To the rescue ngayong weekend si Dr. Vicki Belo sa Salamat Dok dahil ibibigay niya ang mga solusyon sa pagbabawas ng timbang ng mabilis pero safe, dalawa sa mga iyon ang ginagamit ng top comedian na si Vice Ganda.

Ang isang solusyon ay ang pag-intake ng Herbal Diet Pills, isang suplemento ng Belo Medical Group na galing ang sangkap sa mga purong halaman.

Binabawasan nito ang sobrang gana sa pagkain  at mabilis na tinutunaw ang mga taba sa katawan. Pero pinapaganda rin nito ang blood circulation at nakatutulong na gawing energy ang mga carbohydrate na walang side effects tulad ng heart palpitations. Isang kapsula lang ang kailangan sa loob ng sampung araw para makita ang 4 lbs. na kabawasan sa timbang.

Ang Herbal Diet Pills ay mabibili lang kapag may prescription pagkatapos magpakonsulta para ma-monitor ang bisa. Hindi rin puwedeng tuluy-tuloy ang pag-inom pagkaraan ng sampung araw.

Ang Belo’s CoolSculpt, ay isang non-surgical na paraan ng pagtutunaw ng taba na gumagamit ng cryolipolysis. Pinalalamig nito ang fat cells sa ilalim ng balat hanggang mawala ng tuluyan. Kapag naging crystal na kasi  ay namamatay ng kusa ang fat cells.

Ang nirerekomenda naman ni Vice Ganda pagkatapos pumayat ay  ang Fractional Microneedling. Matagal na itong ginagawa ng lahat ng may problema sa balat, lalo na kapag acne at fine line. Gumagamit ang klinikang Belo ng maliliit na karayom sa balat na tila namamasahe ang collagen production kaya gumaganda ang kutis. Kung sa Cebu clinic pupunta ay makakakuha pa ng 15% promo para sa ganitong treatment.

Abangan ang iba pang  helpful tips ni Dr. Belo sa Salamat Doc ngayong Sabado (Jan. 19), 6 a.m., at Linggo (Jan. 20), 7:30 a.m., sa ABS-CBN. 

 

Show comments