Promo sa concert kinansela Martin todo emote sa ginawa ng ABS-CBN

Nabasa namin ang tweet ni Martin Nievera na “U know what is sad? Being asked to guest on shows to promote my Vday gig then cancel because the show I am part of will be aired on Ch. 7. So far, only ASAP & Minute To Win It allowed me to quickly promote but other shows book me then cancel. Kinda sucks right? Don’t call to ask me to guest then cancel when you find out what I will promote is on another channel.”

Ang Valentine’s Day concert on Feb. 14, sa Arena, nila nina Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez ang tinutukoy ni Martin dito.

Sa presscon pa lang ng concert, nagpahayag na siya na hindi maganda kung mapapasukan ng network wars ang pagpo-promote at TV coverage ng concert.

Rescue ni Arnold Clavio ‘nakopya’ ng TV5

Nakausap namin si Arnold Clavio at siya man ay nagulat na may kaparehong title ang Rescue na hinu-host niya sa GMA 7. Kahit Rescue5 ang sa TV5, kapag hindi nakita ang 5 sa dulo ng programa na si Paolo Bediones na ang host, aakalaing iisa lang ang dalawang shows.

Sabi ni Arnold, kinol na niya ang attention ng in charge sa show ng TV5 pero hindi pa rin binago ang title ng programa nila.

Anyway, nakuwento ni Arnold na ’yung episode ng kanyang Tonight with Arnold Clavio na guest si Glaiza de Castro, may six-year-old girl from Ilocos na pumunta ng taping para lang makita ng personal ang aktres. Dumating ang bagets na pareho ng style ng buhok ni Heidi (name ni Glaiza sa Temptation of Wife) at kabisado ang lines ni Heidi. Sa tuwa ng ina ni Glaiza, binigyan ng gift ang bata.

LT gusto nang ‘patayin’ ang sarili sa patung-patong na problema

Kung si Lorna Tolentino lang ang scriptwriter ng Pahiram ng Sandali, gusto niyang patayin na ang karakter ni Janice (ginagampanan niya) dahil nakakaawa na sa rami ng problema. Walang masayang araw sa karakter niya, patung-patong ang problema, kaya wala ring tigil ang pag-iyak niya.

Sa episode last week, two straight days siyang umiiyak, madalas ding umiiyak ang mga eksena niya sa episode this week. Madadagdagan pa ang crying spell niya ’pag nalaman na ang one-night stand nila ni Alex (Dingdong Dantes).

“Nade-dehydrate ako sa kaiiyak kaya umiinom ako ng tubig after each scene. Kung totoong tao si Janice, maha-heart attack sa rami ng problema. Nakakaloka, sunud-sunod ang eksena ko, hindi ako makahinga,” wika ni Lorna pero nakangiti.

Pasalamat lang si LT na hindi niya nadadala sa bahay ang karakter ni Janice at dahil naman ito sa pagod na siya sa rami nang eksena niyang kinukunan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Richard nakaisip na ng solusyon kay Sarah

Hindi alam ni Richard Gutierrez ang ire-react sa pagko-congratulate sa kanya ng mga na­panood na ng Seduction dahil hindi pa niya napapanood ang most daring movie niya. Sa dubbing palang niya napapanood ang movie pero parts lang niya at hindi ang kabuuan.

Kaya excited na ang aktor sa showing ng movie sa Jan. 30.

Laging nakangiti si Ri­chard ha­bang kausap ng press at tumatawa pa rin pero ina­ming ma­­lungkot siya dahil nasa Switzer­and ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati. Kahit sinabing nara­nasan na niyang magkaroon ng long-distance relationship iba ang sitwasyon nila ni Sarah dahil hindi niya alam kung kailan ito makababalik ng bansa.

Ang solusyon, si Richard na lang ang pupunta sa Switzerland, bandang February. Hihintayin lang niyang matapos ang premiere night ng My Lady Boss nila ni Marian Rivera at lilipad na siya tungong Switzerland.

 

Show comments