Ginuman Fest ng Ginebra San Miguel, mag-iikot!
MANILA, Philippines - Simula na naman ng nag-uumapaw na kasiyahan, inuman at tugtugan sa ikalawang taon ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) Ginuman Fest na gaganapin sa Enero 19 sa Plazuela sa Tarlac City.
Sa buong 15-leg tour ay masasaksihan at mapapakinggan ng madla ang mga kantang pinasikat ng GSMI brand endorsers na Itchyworms, Kenyo, Callalily at Rocksteddy. Makikita rin sa ilang piling lugar ang mga brand ambassadors ng GSMI na sina Anne Curtis, Maja Salvador, Solenn Heusaff, at ang 2013 Ginebra calendar girl na si Georgina Wilson.
Mapapaindak ang lahat kasama ang dance sensation at tinaguriang “sample king†na si Jhong Hilario na mapapanood sa pagtatanghal ng Ginuman Fest sa iba’t ibang lugar sa Greater Manila Area.
Halos P100,000 na papremyo ang ipamimigay sa bawat leg para sa mga masuwerteng game participants.
Ang event na ito ay bilang pasasalamat ng Ginebra San Miguel sa milyun-milyong “kalahi†na siyang dahilan ng pagiging no. 1 nito sa buong mundo.
Itinatag ang Ginebra San Miguel noong 1834 at magdiriwang na ng ika-180 anibersaryo sa 2014.
Maliban sa Ginebra San Miguel, matitikman at mabibili rin sa concert venues ang iba pang produkto ng GSMI tulad ng Gran Matador Brandy, Antonov Vodka, kasama na rin ang mga non-alcoholic beveÂrages.
Mula sa Tarlac, ang Ginuman Fest ay pupunta sa Davao (Pebrero 1); San Fernando, La Union (Pebrero 16); San Pedro, Laguna (Pebrero 23); Cebu (Marso 1); Antipolo (Marso 9); Pampanga (Marso 16); Tuguegarao, Cagayan (Marso 22); Kalibo, Aklan (Abril 12); Dasmariñas, Cavite (Abril 19); Lipa, Batangas (Abril 26); Solano, Nueva Vizcaya (Mayo 17), Lucena, Quezon (Mayo 24); Naga, Camarines Sur (Mayo 31); at Metro Manila (Hunyo 8).
Tinatayang 100,000 music lovers ang nakisaya sa labing-isang lugar sa kauna-unahang Ginuman Fest noong nakaraang taon at mas marami pa ang inaasahang dumalo ngayong taon.
- Latest