Marami ang nanghinayang na na-edit ang interview ng isang magaling na aktor na lumabas sa isang broadsheet. Kung hindi na-edit ang interview, siguradong malaking kontrobersiya ang dala at tiyak na pagpipiyestahan.
Tinanong ang aktor ng interviewee kung ano ang pinakaseksing bagay na ginawa niya sa buong buhay niya? Dere-deretso ang sagot ng aktor na sa ibabaw ng isang building.
Ang hindi naisama sa naging sagot ng aktor ay kung saang building siya nakipag-make love at sa building pa lang, tukoy kung sinong aktres ang kasamang naglampungan ng aktor.
On the other hand, maganda na ring hindi nabanggit ang building na tinukoy ng aktor dahil may karelasyon ang aktres ngayon. Hindi maganda kung dahil sa interview sa aktor, masisira ang relasyon ng aktres at BF nito ngayon.
Aga inayawan ang pagiging ‘best friend’ ni Mayor Lim
Hindi nakadalo sa Trade Launch ng TV5 si Cesar Montano, kung saan kasama siya sa cast ng new romantic drama ng network na Never Say Goodbye. Nagso-shooting that time ang aktor ng The TurÂnÂing Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim dahil sa February 27 na ang playdate.
Dumalaw pa nga si Manila Mayor Alfredo Lim sa shooting at ‘yung nabasa ni Cesar sa libro ni Nick Joaquin tungkol sa buhay ng mayor, personal niyang narinig dahil ikinuwento mismo ni Mayor Lim.
Malaki ang production cost ng movie, pero hindi sinabi nina Cesat at Mayor Lim kung magkano ang aabutin. Sabi ni Cesar, ipapakita sa movie ang parte ng buhay ni Mayor Lim na hindi napanood sa naunang tatlong pelikula ng buhay niya.
Nakalimutan naming itanong kung bakit hindi natuloy si Aga Muhlach sa role ni Police Major Gameng, bestfriend ni Mayor Lim. Nakita namin nang i-offer ni Cesar kay Aga ang role at pumayag ito basta hindi si Cesar ang magdidirek.
Samantala, sina Nora Aunor at Alice Dixson ang kapareha ni Cesar sa Never Say Goodbye, kakaibang love triangle ito, puno ng drama, iyakan at may sampalan pa. Sa direction ni Mac Alejandre, airing na sa January 28, pagkatapos ng Kidlat.
Forever, isasabak na sa Primetime
Sa Twitter account ni Heart Evangelista namin unang nabalitaang iba na ang oras ng Forever, ang soap na muli nilang pinagtatambalan ni Geoff Eigenmann. Kung sa presscon, after Eat…Bulaga ang sinabing time slot nito, noong Tuesday, ibinalita ng aktres na bago ang 24 Oras na ito mapapanood.
Pinakinggan siguro ng network ang reaction ng viewers na bagay na pang-primetime ang Forever at hindi pang Afternoon Prime. Anuman ang rason ng station, siguÂradong masaya ang buong cast at si direk Ricky Davao.
Kuwento ni Heart, nahirapan sila sa mga eksenang pinalabas na 50’s dahil ingat na ingat siya sa kilos at pagsasalita. Ipinakita pa nito kung paano siya magpaypay at kung paano magsalita. Saka, first week pa lang, marami na silang iyakan.
Sa January 21 ang pilot ng Forever at si Candy Pangilinan na ang nagsasabing mahirap ang mga eksena nila. Sa kaso niya, may time na napi-freeze ang scenes niya ‘pag nagpapalit ng karakter sina Heart at Gloria Romero dahil kailangan niyang hintaying bumata si Gloria at tumanda si Heart.
Martin Escudero binuburo ng TV5
Sabi sa amin ng isa sa PR ng TV5, aabot sa 120 stars ng network ang nasa Resorts World noong Martes ng gabi para sa Trade Launch ng istasyon, kung saan, ipinakilala sa advertisers at sa media ang shows ng istasyon sa first half ng 2013.
Ang iba’y nag-perform at ang iba’y pumunta lang, nakahalubilo sa advertiÂsers at sa press. Eleven new shows ang in-introduced, pero hindi kasali si Martin Escudero. Mabuti na lang at hindi reklamador ang alaga ni Popoy Caritativo at willing maghintay ng next project na ibibigay sa kanya.