‘Iba ang feeling na manalo sa sariling bansa’ - Liza

MANILA, Philippines -  Dahil sa ginampanang role ng isang flamenco-Filipiniana dancer na nag-aambisyong mag-artista sa In Nomine Matris (In the Name of the Mother) ay nakuha ni Liza Diño ang best actress award sa New Wave Category sa nakaraang 38th Metro Manila Film Festival (MMFF). Si Nora Aunor ang katapat niya sa nasabing award para sa mainstream category.

Natanggap rin ng pelikula ang Gender-Sensitive Film Award kasama ng Thy Womb na siyang nilabasan ni Nora.

Si Liza ay hasa na sa pelikula, telebisyon, at teatro na lumabas na sa ilang independent at commercial acting studios. Ang ilan dito ay ang Two Timer sa Regal Films at ang Pinay Pie at A Love Story sa Star Cinema. Isa rin siya sa lead cast ng Compound, isang indie film mula sa HUBO Productions, na siyang nagsimula ng kanyang pagkahilig sa indie projects. Dito rin nagkamit ng international award si Liza, sa 2011 International Film Festival Manhattan sa New York City, hanggang parangalan din siya ng National Commission for Cutlure and the Arts ng Ani ng Dangal (Harvest of Honor) Award nung 2012 mula sa Office of the President.

Nang mahingian ng reaksiyon sa pagkakapanalo sa MMFF, proud ang aktres.

“Iba ang feeling ng manalo sa sarili mong bansa. The feeling of being validated by your peers in the industry is incomparable. Sana magbigay daan ito para makagawa pa ako ng maraming pelikula sa atin at makatrabaho ang mga batikan at respetadong direktor ng Pilipinas. This is my craft, katulad ng sabi ni Ate Guy, hangga’t may pagkakataon, hindi ako titigil gumawa ng pelikulang may kabuluhan.”

Ang In Nomine Matris ay istorya tungkol sa sayaw, pag-ibig, at paghahalo ng kulturang Espanyol at Pilipino na idinirek ni Will Fredo at iprinrodyus ng HUBO Productions sa pakikipagtulungan ng Trinity Hearts Media, Embassy of Spain-Philippines, at Instituto Cervantes.

Kabilang naman sa mga lumabas ay sina Biboy Ramirez, Al Gatmaitan, Tami Monsod, at Clara Ramona na isang flamenco master at siyang nag-choreograph sa mga sayaw sa pelikula. 

Sa ngayon pa lang ay busy na uli si Liza dahil sa mga nakalinya nang proyekto.

“We’re shooting in February. I have a Fil-Am movie that I will shoot in LA once I get back to US,” sabi ni Liza. “I am excited to do some projects in local TV and film dito sa Pilipinas.”

Show comments