MANILA, Philippines - Siguradong maaaliw ang marami kina Pamela Spella at Vanessa Ishitani o mas kilala bilang The Alabang Housewives ng The Amazing Race Philippines ng TV5 dahil may sarili na silang reality show.
Oo at inaliw nga ng dalawa ang entertainment press sa pilot episode nila kung saan hinabul-habol nila ang idol nilang si Nora Aunor mula sa Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival hanggang sa naganap na awards night sa Meralco Theater sa Pasig City.
Walang script at kung ano na lang ang maisip na gawin at sabihin nina Pamela at Vanessa ang siyang ipapalabas. Sa totoo lang, naaliw kami sa pagiging natural na kakikayan nila.
Naging magkaibigan pala sila dahil sa isang Bible study. Kakahiwalay lang ni Vanessa sa kanyang Japanese husband at malungkot ito kaya ito sumama sa isang Bible study na ginanap sa bahay ni Pamela sa Alabang Hills Village.
“Doon kami nagkakilala at naging magkaibigan. Naawa ako sa kanya kasi iyak siya nang iyak nang magkuwento siya. Kaya kinaibigan ko. Ever since naging BFF (best friend forever) na kami ni Vanessa,†say ni Pamela.
Napasali raw sila sa The Amazing Race Philippines dahil type nilang pareho ang host ng The Amazing Race na si Derek Ramsay.
“Ako ang nangulit kay Pamela na sumali kami. Noong una ayoko kasi baka umitim ako. Ang laki na ng nagagastos ko sa pagpapaputi. Pero dahil kay Derek, sige, bahala na.
“Akala ko hindi kami makakapasa. Pero sinuwerte kaming mapasama. Hindi man kami nanalo ng grand prize, nayakap at nahalikan naman namin si Derek!†sabay natawa si Pamela.
Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes tuwing umaga sa TV5 ang The Alabang Housewives bago mag-Face to Face.