MANILA, Philippines - Ipinakilala kahapon ng CineFilipino Film Festival ang walong indepenÂdent filmmakers na magtatanghal ng kanilang mga obra sa darating na Hunyo. Makakatanggap ng production grant na P1.5 million ang bawat isang filmmaker para simulan ang kani-kanilang proyekto.
Ang walong direktor na napili ay sina (mula sa kaliwa) Mike Alcazaren, Ato Bautista, CineFilipino Festival Director Vince Nebrida, Mes de Guzman, Randolph Longjas, Ron Bryant, (sa harap) Kiri and Sari Dalena, Sigrid Andrea Bernardo, at Janice Perez. Ginanap ang presscon para sa mga finalist ng CineFilipino kamakailan ng gabi sa Resorts World Manila sa Pasay City.