Bukod pa sa daily budget sa taping na P1 M din Sen. Bong naliliitan pa sa araw-araw na talent fee na P1 M!

Nagbibiro lang kaya si Sen. Bong Revilla, Jr. sa sinabi sa press na maliit ang P1 M na daily budget sa taping ng Indio dahil sa malalaking eksenang araw-araw ginagawa?

“Maliit ang one million (pesos). Akin lang ’yun (ibig sabihin talent fee niya),” sabi ni Bong sabay tayo. Kaya hindi na namin nausisa nang husto sa kanyang tinuran.

Kundi nagbibiro si Bong at kung totoong P1M nga ang TF niya per taping day, makaka-ilang milyon kaya siya sa buong taping ng epic serye na 20 weeks tatakbo? Ay, mahina kami sa math. Kayo na ang magkuwenta.

Samantala, kung nakita ng ilang press na pinahawakan ni Bong ang tiyan niya kay Eddie Littlefield para patunayang wala siyang bilbil, maiinggit ang mga beki. Ipinagmamalaki kasi ni Bong na at his age, wala siyang bilbil at dala ’yun sa pagwo-workout niya para si Indio at ayaw masabihang mataba siya.

Nang tanungin namin kung may eksena siyang hubad o kita ang upper torso, hindi pa masabi. Sa follow-up question namin kung ilang pack ang abs niya, ang bilis ng sagot na “nine packs” at sinundan ng tawa.

“Abangan n’yo na lang. Simulan ninyo ang pano­nood sa pilot at hindi kayo magsisisi,” sabi ni Bong.

 â€œMas malaki sa pelikula ang Indio, four movies ang equivalent nito. Six to seven cameras ang ginagamit namin (balita namin may helicopter shot pa). Hindi na tayo bumabata. I want to do something historical and fantasy at gusto ko may matututunan ang viewers, perfect ito. Maganda ang Amaya, hindi man mapantayan, masabayan man lang ng Indio.”

  Samantala, sasali si Bong sa 2013 Metro Manila Film Festival, may pelikula na siyang naiisip pero ayaw munang sabihin at focus pa siya sa Indio na umpisa na mamayang gabi. Hindi rin nito kinumpirma kung totoong gagawa siya ng pelikula na si Wenn Deramas ang direktor.

Vic magkaka-sitcom na kasama si Marian!

May nagtsika sa aming ang ipapalit ng GMA 7 sa Extra Challenge sa Sunday time slot ay ang sitcom na pagbibidahan ni Vic Sotto. Wala pang masyadong detalye tungkol dito’t naka-schedule pa lang ang storycon.

Kung inyong natatandaan, matagal may sitcom si Vic sa GMA 7 na co-produced ng kanyang M-Zet Productions at GMA 7. Ganoon pa rin siguro ang magiging set up sa bagong sitcom na March daw ang airing.

Teka lang, na-tweet ni Boobay, kasama nina Marian Rivera at Richard Gutierrez sa Extra Challenge, na magkakasama sila ni Marian sa sitcom at sa March ang airing. Ang tinutukoy kayang sitcom ng komedyante ay ang sitcom din ni Vic?

  Ibig bang sabihin, magsasama sa sitcom sina Vic at Marian? Aba’y maganda ito kung totoo at sana nga ay matuloy!                                         

Dominic nanghihinayang na naiwan pa-Slamdance filmfest

Nang makita namin si Dominic Roco sa special screening ng Indio, ibinalitang hindi siya makakadalo sa Slamdance Film Festival na gagawin sa Utah sa USA this January dahil hindi naayos ang kanyang passport. Nagkaproblema raw ang printing ng Department of Foreign Affairs at hindi na-process ang passport niya.

Nanghihinayang si Dominic dahil kasama ang pelikulang Ang Nawawala kung saan kasama siya sa cast. The only Filipino movie na nakapasok sa filmfest out of 5,000 entries ang movie kasama sina Dawn Zulueta, Felix Roco, Alcris Galura, Buboy Garovillo marami pang iba. Ang direktor ng movie na si Marie Jamora lang daw ang makakadalo sa Slamdance Film Festival.

Sabagay, maganda na ring hindi makakaalis si Dominic dahil makakapag-focus siya sa taping ng Indio. Masaya ito na may bago siyang soap at bilang si Tuhay, magiging love interest siya ni Sheena Halili bilang si Mayang.

 

Show comments