Napahanga si Anne Curtis sa kakaibang katangian ni Robin Padilla. Kasama ng dalawa si Kris Aquino na magbibida sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw na mapapanood na simula Jan. 21. Ibang klase si Binoe sa mga katrabaho, ayon kay Anne.
“That’s the thing with Robin. He’ll always charm you with how he treats you, how he speaks about you, and then ’yun talaga masasabi ko. Until this day siya lang talaga ang masasabi kong lalaking-lalaki sa industriya natin,†makahulugang pahayag ni Anne.
Nakatakdang kunan sa mga susunod na linggo ang ilang maseselang eksena nina Robin at Anne kaya ngayon pa lamang daw ay kinakabahan na ang aktres.
“I’m always nervous. Grabe ako magpawis when I have an intimate scene. Kahit nga na lumapit lang, sobrang may nose gets lapotchina! I’m excited at the same time to see how the chemistry turns out kasi nakita ko na sa kanila ni Ate Kris (Aquino),†pagtatapat ni Anne.
Karylle natuto ng leksiyon sa pamilya
Masaya si Karylle dahil naging maganda ang resulta ng stage play na ginawa niya kamakailan, ang Rama Hari. Kasama rin ng dalaga sa nasabing proyekto si Christian Bautista. Bukod sa mga Pinoy na nanood ay naging maganda rin ang pagtanggap sa musical ng mga foreigner.
“I was just really happy that all the Filipinos came out to support and watch Rama Hari, even the foreigners. Kapag may standing ovation nangunguna madalas ang mga foreigner at kahit paglabas namin sa lobby ng CCP (Cultural Center of the Philippines) at talagang sumisigaw pa rin sila dahil sobrang happy nila,†nakangiting pahayag ni Karylle.
“Sabi nila sana dalhin nga abroad or foreigners should come over and watch it here kasi napakalaki ng production para ilabas. But more than that kinikilig ako for Ballet Philippines. ’Yung mga staff kasi ’yung mga nagbebenta ng tickets sinasabi nila sa akin na very pleased sila dahil sabi ng mga usher parang Phantom of the Opera ’yung dami ng tao kasi hanggang sa mga balcony.â€
Kakaibang regalo naman daw ang ipinagkaloob ni Karylle para sa kanyang sarili nitong nagdaang Kapaskuhan.
“Gift ko na sa sarili ko ’yung day off. Nagkaroon ako ng days off para magsulat ng kanta, ganyan. Ang tagal ko na kasing hindi nagagawa ’yun para sa sarili ko. Siyempre kailangan mo rin ng quiet time,†kuwento ni Karylle.
Samantala, pagdating naman sa buhay pamilya at pag-ibig ay mayroon daw siyang mahalagang bagay na natutunan.
“The best lesson about love for me siguro ’yung love for family is just so strong. ’Yung lahat ng barriers, kunwari layo, dahil ’yung mga pamilya ni Mama nasa States, nawawala lahat ng barriers na ’yun. There is no problem too big na hindi malalampasan dahil sa sobrang intense at lakas ng pagmamahal ng isang pamilya,†giit pa niya.
Reports from JAMES C. CANTOS