May mali sa balita na aalis si Nora Aunor sa Pilipinas dahil pupunta siya sa Amerika at mananatili rito ng isang buwan.
Hindi puwedeng mawala nang matagal si Nora dahil kailangan siya sa taping ng Never Say Goodbye, ang coming soon primetime program ng TV5. Si Nora ang bida ng teleserye kaya malabo na mag-disappearing act siya ng one month. Sa Baguio City ang taping ng Never Say Goodbye na biggest television break ng love team ng Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Starring din sa Never Say Goodbye sina Alice Dixson at Cesar Montano.
‘Kasal’ nina Goma at Lucy walang urungan
Matutuloy ang plano nina Richard Gomez at House Representative Lucy Torres na magpakasal uli bilang paggunita sa 15th anniversary ng kanilang church wedding sa Ormoc City noong April 28,1998.
Ang pagpapakasal ng dalawa ang katuparan ng sinabi noon ni Richard sa kanyang misis na magre-renew sila ng wedding vows sa 15th anniversary ng church wedding nila.
I’m sure, looking forward ang kanilang anak na si Juliana sa renewal ng wedding vows ng mga magulang niya. Dalagita na si Juliana na siguradong excited sa mga magaganap sa 15th wedding anniversary celebration ng kanyang loving parents.
Regine walang alam kung kailan tatapusin ang Mrs. Recto
Walang idea si Regine Velasquez kung kailan ang resume ng shooting ng indie movie na ginagawa niya bago siya nagbuntis sa anak nila ni Ogie Alcasid.
Mrs. Recto ang title ng pelikula dahil sa Recto Avenue ang setting ng kuwento. Walang maisagot si Regine nang tanungin siya sa presscon ng Foursome tungkol sa latest update sa project na nahinto ang shooting nag magbuntis siya kay Nate.
Gusto ng fans ni Regine na matapos ang Mrs. Recto dahil nabalitaan nila na maganda at nakakatawa ang kuwento ng naudlot na indie movie.
Indio ganado sa promo
Tinutukan ko kahapon ang Party Pilipinas dahil inabangan ko ang guesting ni Senator Bong Revilla, Jr. na masipag at ganadong-ganado sa promo ng Indio dahil talagang maipagmamalaki niya ang project.
Mapapanood ngayong gabi ang pilot episode ng Indio na tututukan ko rin dahil hindi ako nakasipot sa special preview. Huwag ninyong kalimutan na panoorin ang Indio para makita ninyo kung gaano kaganda at kabongga ang bagong primetime series ng Kapuso Network.
Kapwa senior citizen nabigyan ng pag-asa Tia Pusit in love sa 27 anyos
Nakakaloka si Tia Pusit. Hitsurang senior citizen na siya, nakakahanap pa rin siya ng boyfriend na apo na niya.
Sixty-four years old na si Tia Pusit at 27 years old naman ang kanyang dyowa. Forty years ang agwat ng edad ng dalawa pero sabi nga, walang edad na pinipili ang pag-ibig.
Take note, nagkakilala ang dalawa sa Facebook. Dad ang tawag ni Tia Pusit sa kanyang dyowa na in love na in love sa kanya. Maraming mga kaedad ni Tia Pusit ang nabigyan ng hope na magkakaroon din sila ng love life dahil sa love story ng senior citizen na komedyana.