MANILA, Philippines - Vindicated ang Mommy Divine ni Sarah Geronimo sa pagkontra niya sa sistema ng panliligaw ni Gerald Anderson sa kanyang anak na naging rason para mag-back out ang actor.
Kung maaalala, may nagkuwentong gusto ng aktor ligawan si Sarah pero sa labas daw ng bahay na siyang kinontra-kontra ng magulang ni Sarah. Ang gusto raw ng mommy at daddy ng singer/actress ay sa bahay lang ang dalawa kung mag-uusap.
Ngayon ay may Maja Salvador na agad si Gerald. Eh kay Maja nga naman hindi mahinhin ang reputation nito so madali silang magkakasundo ni Gerald.
Katakut-takot na panlalait at paninira ang inabot ng Mommy Divine ni Sarah nang maudlot ang kinakikiligang panliligaw noon ni Gerald kay Sarah. Ibinunton ang sisi sa ina ng pop superstar.
Ngayon, ang isa pa sa itinuturing na kaibigan ni Sarah ang niligawan ng aktor.
Maalala ring isa si Maja sa malapit na kaibigan ni Sarah na nag-bridge noon kina Sarah at Rayver Cruz.
Kung sabagay si Kim Chiu nga hindi na naalala ni Maja nang i-entertain niya si Gerald. Mismong si Kim na ikinuwento niya ang lahat-lahat kay Maja nang magkaroon sila ng problema ng actor noon na playboy ang image.
ABS-CBN serye mabenta sa Malaysia, iba pang bansa sa Asya suki na
In fairness sa Kapamilya, inaabangan, sinusubaybayan, at tinututukan maging ng mga banyagang manonood sa Asya ang mga teleserye ng ABS-CBN. Ito ay matapos makapagbenta ng iba’t ibang titulo ang ABS-CBN International Distribution sa iba’t ibang bansa sa Asya kaya naman kino-consider na ito bilang pangunahing pinagkukunan ng mga Asian networks ng Filipino programs na ipapalabas sa kanilang bansa.
Ikinukumpara ito sa ginagawa ring pagbili ng ABS-CBN ng mga pumapatok na Asianovelas mula sa Korean o kaya Taiwanese TV networks.
Sa halos 30,000 oras ng content na nabenta ng ABS-CBN International Distribution worldwide simula noong taong 2000, 40 porsyento sa mga ito ay binili ng 11 bansa mula Asya kaya naman maraming Asyano ang kilala na ang Kapamilya stars.
Numero-unong suki nila ang Malaysia kung saan mahigit 3,000 oras ng content na ang nabenta sa Malaysian TV networks na Astro Bella at TV3 simula taong 2000.
Ilan sa mga binili ng Astro Bella, ang unang in-house telenovela pay TV channel sa Malaysia, ay ang Magkaribal, Prinsesa ng Banyera, Dahil May Isang Ikaw, Impostor, Imortal, Budoy, at Iisa Pa Lamang na katumbas ay 850 oras ng content.
Ang seryeng kinatatampukan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa na Dahil May Isang Ikaw ang highest-rating Filipino drama ng Astro Bella kung saan pumalo ito sa 67% na audience share sa naturang bansa.
Samantala, bumili naman sa ABS-CBN ng 95 oras ng content ang unang commercial TV station ng Malaysia na TV3 sa pamamagitan ng nangungunang integrated media investment group na Media Prima.
Isa sa binili nito ay ang remake ng Mara Clara na patok na patok ng kanilang inere matapos makalikom ng average na 1.5 milyong Malaysian viewers. Nalalapit nang ipalabas ng nasabing network ang My Girl ngayong January 2013 at ngayon pa lang ay nagpapahaging na rin ito ng kanilang interes na bilhin ang My Binondo Girl at Be Careful with My Heart.
Dumarami na rin ang mga fan ng ABS-CBN dramas sa Cambodia. Nasa 28 canned shows na ang naibenta nila sa mga Cambodian TV channel at isa sa pinakamalaking deal na naisara kamakailan ay ang paggawa ng local version ng Cambodian Television Network (CTN) sa seryeng Pangako sa ’Yo simula ngayong taon.
Bukod pa sa Malaysia at Cambodia, napapanood din ang iba’t ibang ABS-CBN drama sa Brunei, Myanmar, China, Indonesia, Hong Kong, Singapore, Vietnam, Korea, at Taiwan.
Ang International Distribution ay isang business unit ng ABS-CBN na inaasahan worldwide bilang content provider ng dekalidad na Filipino programs sa mahigit 50 teritoryo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Dahil sa Indio, Sen. Bong tumatanaw ng utang na loob sa GMA
Simula na ngayong gabi ang pinakamalaking serye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. na tatlong character ang gagampanan — Malaya/Simeon/Indio. Ito ang kauna-unahang primetime drama project ni Sen. Bong.
“Malaki ang utang na loob ko sa GMA na ako ay binigyan ng ganito kalaking proyekto para ialay sa ating mga tagahanga. Pinagpaguran ito ng lahat ng mga tao sa harap at likod ng kamera para mabigyan kayo ng magandang pagkakalibangan,†sabi niya sa magsisimulang serye ngayong gabi.
“Ang Indio ay isang pagbubunyi sa pagiging marangal ng bawat Pilipino, isang pagkilala sa mga magagandang katangian natin bilang isang lahi mula pa noon hanggang ngayon,†giit ng dating action star bago naging pulitiko.
Angeline hindi inaasahan ang pagbibida sa serye
“Masayang-masaya po talaga ako kasi hindi ko inasahan na darating ito sa buhay ko,†pahayag ni Angeline Quinto sa kanyang pagbibida sa seryeng Kahit Konting Pagtingin. “Kung noon po ay part ako ng mga teleserye dahil sa pagkanta ko ng theme songs, ngayon po ay mapapanood na ako ng mga tao araw-araw bilang artista.â€
Sa serye, bibigyang buhay ni Angeline ang karakter ni Aurora, isang palabang dalaga na gagawin ang lahat para sa kanyang mga mahal sa buhay. At sa gitna ng funny adventures ni Aurora, makikilala niya ang dalawang lalaking magpapatibok sa kanyang puso — sina Lance (Paulo Avelino) at Adam (Sam Milby).
“Very light po ’yung istorya ng Kahit Konting Pagtingin. Makikita n’yo po ’yung karakter kong sobrang matiyaga na hindi tumitigil sa paghahanap ng raket upang suportahan ang pamilya niya,†sabi ni Angeline na proud na proud sa first team-up nila nina Paulo at Sam.