Lalaban na talaga ang TV5 sa ABS-CBN, at GMA 7 sa pagpoprodyus ng soap dahil after Never Say Goodbye na pilot sa January 28, inihahanda na rin ang Minsan May Isang Ina. Ang Regal TV at GROWL Entertainment nina Roselle Monteverde, Girlie Rodis, at Leo Dominguez daw ang producers nito.
Ito ‘yung soap na sabi’y gagawin ni Lovi Poe sa TV5, hihintayin daw matapos ang kontrata nito sa GMA 7, pero parang hindi na siya mahihintay dahil sisimulan na raw ang Minsan May Isang Ina.
Narinig naming kasama sa cast sina Nadine Samonte at Derek Ramsay, pero sabi ni Derek sa presscon ng Kidlat, isang reality show ang next show niya.
Isang magaling na dating director ng GMA 7 ang magdidirek ng Minsan May Isang Ina, ayaw pa lang magpabanggit ng pangalan. Ang nasabing director ay panglima na sa mga galing Channel 7 na directors na nasa TV5 na ngayon.
Foursome concert, mura lang ang ticket
Walang pangalan nina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez ang mala-poster at mala-banner ng Foursome, ang Valentine’s Day concert nila sa SM MOA Arena sa Feb. 14. That time, hindi pa siguro alam kung kaninong pangalan ng apat ang uunahin.
Ang nasulat naming pagkasunud-sunod ng paÂngalan sa unahan daw ang magiging billing, may “and†bago ang name ni Pops at may “and†bago ang name ni Regine.
Masaya ang nasabing presscon ng concert na si Rowell Santiago pa rin ang director, pero sina Homer Flores na gamay nina Martin at Pops at si Raul Mitra na gamay nina Ogie at Regine ang musical directors. Mura lang ang ticket para sa apat dahil P6,400 ang pinakamahal.
Parehong may Martin at Pops story sina Regine at Ogie. Si Pops ang nagrekomenda kay Regine na mag-guest sa Penthouse Live na sabi ni Songbird, malaki ang nagawa sa kanya. Kuwento naman ni Ogie, sa TWOGETHER nina Martin at Pops ang first TV appearance niya.
Ngayon, hindi lang sila magagaling na perforÂmers, naging magkakaibigan pa at kumare pa nila si Pops na ninang ni Nate.
Direk Lino ‘sinusundan’ si Isabel Oli
Sabi ni director Lino Cayetano sa kanyang presscon, kung saan, pormal na ipinaalam sa entertainment press na tatakbo siyang congressman sa second district ng Taguig, loveless siya for one and half years na at wala siyang nililigawan ngayon.
Nakalimutan naming itanong kung may ibig sabihin ang “Now following the beautiful @isabelolifee†tweet niya kay Isabel Oli. Naalala namin ang sinabi ni Isabel sa presscon ng Forever na open siya na magka-boyfriend uli. Nag-one plus one kami, hindi kaya sila ang next “It†couple?
Kahit miss namin ang long-haired ni Direk Lino, okey na rin na nagpagupit siya dahil ‘pag sinuwerte, after the elections, isa na siyang Congressman. Isa si President Noynoy Aquino sa inspirasyon ni Lino na tumakbo sa Kongreso.
Sinusunod nito ang sinabi ni P-Noy na “To serve is a noble thing†at ang pag-i-encourage sa public sector na kung gusto nang pagbabago ay makilahok. Malaking bagay din ang experience niya bilang barangay chairman sa Fort Bonifacio and working with his siblings na parehong politicians.
Michael naaaliw ’pag sinasamasa provincial show
Sobrang excited si Michael de Mesa na kasama siya sa cast ng Indio. Tuwang-tuwa rin ito dahil maganda ang role at mahaba ang partisipasyon bilang main villain at sabay silang papasok ni Sen. Bong Revilla, Jr. at hanggang sa ending na ’yun.
Pinuri rin nito si Bong na ibang-iba ang acting. Makikita ito ‘pag pinanood ang epic serye simula Jan. 14, pagkatapos ng 24 Oras.
Feel na feel ni Michael ang pagiging exclusive contract star ng GMA 7 dahil nagre-regional show siya. Ang sarap daw ng feeling na still belong at welcome siya at humbling experience ito sa kanya. Also, hindi pa kasama sa two-year exclusive contract niya ang Kailangan Bang Ibigin Ka, bonus daw ‘yun at sa Indio pa lang magsisimula ang kontrata niya.