Luis wala nang oras magpahinga sa rami ng trabaho!

MANILA, Philippines - Grabe. Ang hectic naman ng schedule ni Luis Manzano. Paano pa siya nagkakaoras sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado? Balita nga ‘di ba na nagkakasakit na siya at hindi na-enjoy ang Pasko at Bagong Taon.

Dala-dalawa na kasi ang game show na iho-host ni Luis. At magkasunod araw-araw siyang mapapanood dahil magsisimula na sa Lunes ang Minute To Win It na eere bago mag-Please Be Careful With My Heart - 11:45.

Pagdating naman ng Sabado, meron pa siyang Deal or No Deal at papasok pa ang Pilipinas Got Talent.

Ang dami na sigurong pera nitong si Luis. May sarili na siyang bahay at operator siya ng mga taxi.

So wala na siyang panahong magpahinga!

Anyway, hindi mo kaila­ngan ng espesyal  na talento o pambihirang talino kundi husay, liksi, at diskarte lamang para magwagi ng P1 milyon sa bagong ABS-CBN game show na Minute to Win It, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 AM.

Bibigyan ng bagong kahulugan ng show ang kasa­bihang “time is gold” sa paghahamon nito sa studio players na makumpleto ang bawat challenge sa loob ng isang minuto. Hinihimok din nito ang mga ordinar­yong tao na magsikap at magpraktis sa bahay gamit ang mga ordinaryong bagay gaya ng itlog, lapis, ping pong balls, at baraha para sa pagkakataong mabago ang kanilang buhay.

Kapag nalampasan ang sampung tila madadaling challenges ay tumataginting na P1 milyon ang iuuwi ng studio players.

Excited si Luis dahil bukod sa pagho-host, role din niya sa game show ang palakasin ang loob ng kina­kabahang players.

“Pinakamalaking challenge ang pag-back up sa player. Kampi ako sa player as much as possible. Siyempre paminsan-minsan may ibang players na nawawalan agad ng puso kaya kailangan akong makahanap ng paraan para ma-build up ang confidence nila para magpatuloy sila at kumita ng mas malaking pera,” sabi niya.

“Sa Deal or No Deal, walang akong kinakampihan sa pagitan ni Banker at ng player. Sa Pilipinas Got Ta­lent, kabarkada ako ng contestant. Sa ‘Minute to Win It,’ taga-cheer ako,” dagdag niya.

Buena manong maglalaro ang comedy concert queen na si AiAi delas Alas sa show ngayong Lunes. Iilan lamang sa nakaka-tense na challenges na maaa­ring niyang suungin ay ang pagpasok ng sinulid sa sampung karayom gamit ang isang kamay at pagpapatumba sa apat na lata gamit ang yo-yo na nakasabit sa likod ng baywang.

Hanggang saang level ang kaya niyang lampa­san? Maiuwi kaya ni AiAi ang P1 milyon?

Bukod kay AiAi ay susubukan din sa pilot week ang diskarte ng iba pang Kapamilya celebrities na sina Cristine Reyes, Rico J. Puno, Maja Salvador, Zanjoe Marudo, K Brosas, at Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Pumatok ang Minute to Win It sa Estados Unidos at iba pang bahagi ng mundo para sa nakakaaliw at nakaka-excite nitong challenges na hinahamon ang mga ordinaryong taong mahasa ang kanilang husay at diskarte. May bersyon na rin ito sa 40 iba’t ibang bansa sa mundo kabilang na sa Australia, India, at United Kingdom.

Ang Minute to Win It ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes simula ngayong Enero 14, 11:00 AM sa ABS-CBN. 

Actress jackpot sa asawang chaka

Jackpot pala ang isang actress sa kanyang non- showbiz na karelasyon. Aba, madatung daw naman talaga ito, walang kaduda-duda. ‘Yun nga lang hindi kaguwapuhan at hindi rin gaanong matangkad. Pero hindi na raw naman dehado ang actress dahil madatung nga kaya sunod sa luho ang actress na napapanood pa natin sa mga shows.

Singer hindi na mai-deny ang pagiging girl

Parang hindi na itinatago ng isang chubby-chubby na singer ang kanyang pagiging ‘girl.’

Sa kanyang Instagram account, puro pa-cute ang hitsura niya sa kanyang ina-upload na photos.

Try n’yong i-follow siya sa IG at siguradong magugulantang kayo dahil talagang girlet na siya.

Kung sabagay matagal na siyang pinagdududahan. Pero lahat lang naman pagdududa dahil wala silang basehan, sa mga malalamya lang nga niyang galaw sa kanyang nilalabasang programa.

                                                                          

 

 

 

 

 

Show comments