Ogie at Regine nagparaya kina Martin at Pops

Tama ang desisyon ko na pumunta sa presscon kahapon ng Foursome dahil na-cancel ang press conference ni Congressman Manny Pacquiao.

’Yun nga lang, matindi ang trapik kahapon habang papunta ako sa C3 Greenhills, ang venue ng presscon para sa Valentine show nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Pops Fernandez.

Mabuti na lang, masasarap ang pagkain sa C3 kaya nawala ang pagkainip ko sa over acting na traffic situation sa EDSA at Greenhills, San Juan.  Tapos na ang Christmas season pero hindi ang trapik sa Metro Manila.

Masaya naman ang presscon ng Foursome dahil mga natural comedian at witty sa pagsagot sina Pops, Ogie, Martin, at Regine sa questions ng entertainment press.

Nasagot na rin ang billing issue dahil paulit-ulit ang pagsasabi ng presscon moderator na si Jun Lalin ng “Martin AND Pops AND Ogie AND Regine.”

Saganang-sagana sa “AND” ang introduction sa mga sikat na singer na first time na magkakasama sa isang bonggang-bongga na Valentine show.

Nate nina Ogie at Regine sanay nang makihalubilo sa mga tao

Kasama nina Ogie and Regine sa presscon ng Foursome ang kanilang anak na si Nate na nakakaloka dahil takbo at hindi basta lakad ang ginagawa sa malawak na lugar ng C3.

Mabilis nang tumakbo si Nate at talagang nagpapahabol siya sa kanyang yaya. Madalas na isinasama si Nate ng kanyang mga magulang sa mga showbiz event  kaya sanay na sanay nang makihalubilo ang bagets sa mga tao.

Pops malaki ang kinikita sa pagne-negosyo,kaya dedma kAhit walang TV show

Pinuri-puri ng press ang beauty ni Pops na 40 plus na ang edad pero bagets looking pa rin.

Itinanggi ni Pops ang tsismis na mataas ang kanyang talent fee kaya hindi ito ma-afford ng mga TV network na interesado na bigyan siya ng mga show.

By choice ang pagiging inactive ni Pops sa TV dahil sa mga negosyo na kanyang pinagkakaabalahan. Ang maganda kay Pops, tanggap niya na singer siya at hindi aktres, kahit sinasabi ng mga tao na magaling siya na artista. I’m sure mas malaki ang kinikita ni Pops sa kanyang mga negosyo kaya madali sa kanya na tanggihan ang mga movie at TV offer.

Mga nanghihingi ng ticket hindi na makakaulit, gumastos sila

Tiyak na sold out ang tickets ng Foursome dahil mga sikat na singer ang magtatanghal sa The Arena sa Pasay City.

Inihahanda ko na ang sarili sa mga hihingi sa akin ng complimentary tickets tulad ng nangyari nang magkaroon si Regine Velasquez ng anniversary concert sa The Arena.

Marami ang humingi sa akin ng complimentary tickets dahil favorite singer daw nila si Regine. Favorite pala nila, bakit nanghihingi sila ng libreng tickets?  Kung talagang paborito nila si ganoon at ganireng artista o singer, gagastos sila. Malayo pa lang ang concert ay pag-iipunan nila ang pambili ng ticket.

Sa susunod na may hihingi sa akin ng complimentary tickets at magdadrama sa akin na paborito nila sina Pops, Martin, Ogie, at Regine, sasabihin ko sa kanila na paborito mo pala eh di gumastos ka! Bakit kailangan na ako ang mamroblema at humingi ng pabor na hindi naman para sa akin?

 

Show comments