Pamilya nina Angelica at John Lloyd todo bonding na!

Hindi mo pagtatakhan kung inspirado mang magtrabaho ngayong Bagong Taon si Angelica Panga­niban. Maganda ang simula ng 2013 sa kanya. Nagawa niyang mapagsama-sama ang buo niyang pamilya. Doon lang sila sa bahay niya, nagkainan sa kuwarto niya. Naging mas masaya pa ang event dahil andun din si John Lloyd Cruz, kasama nito ang pamilya niya. At hindi lamang sila napadaan lamang, talagang pinlano na dun sila magbagong taon kina Angelica, kasama ang pamilya nito. Talking of bonding, mas may sasaya pa ba at hihigit sa bonding na ginawa nila? Bago ito, nag-dinner naman  kina John Lloyd sina Angelica at ang pamilya nito.

Inaamin ng aktres na pinakamasayang Bagong Taon na niya ito. She has all the reasons para ma­ging inspirado sa kanyang pagtatrabaho ngayon.

 

Show comments