Marami ang nagtataka kung nakapagtatrabaho pa ba ng maayos ang magkaibigang Maja Salvador and Kim Chiu. Wala ba silang awkwardness sa set ng kanilang seryeng Ina, Kapatid, Anak sa paglabas ng isyu na nakikipag-date na ang una kay GeÂrald Anderson na ex ng pangalawa? Bagaman at inamin na ni Maja ang paglabas nila ni Gerald, quiet siya sa real score ng kanilang relationship.
Bagaman at dalawang taon na ring hindi item sina Gerald at Kim, parang affected si Kim sa isyu na nagliligawan ang kanyang ex at bestfriend. Nagpahayag pa ito ng panghihinayang sa dalawang taong friendship nila ni Maja na sa palagay ng marami ay nanganganib na mawala dahil lamang sa pagiÂging involved nila sa isang love triangle. Wala mang relasÂyon sina Kim at Gerald ngayon, parang sa palagay ni Kim ay kinain ng lahat ni Maja ang mga sinabi nito sa kanya tungkol sa aktor bagaman at kung talagang wala na siyang nararamdaman para kay Gerald, dapat ay matanggap na niya ng maluwag kung anumang relasyon meron ang dalawa and wish them happiness and luck. Maski ang delicadeza ay hindi maaring pumasok sa kanilang dalawa ni Maja dahil wala na sila ni Gerald nang magsimulang maugnay ang dalawa sa isa’t isa.
Samantala, sa kabila ng pagkakaroon nila ng gap, walang makapipigil sa pamamayagpag ng serye nina Kim at Maja na Ina, Kapatid, Anak. Tinaob nila ang mga programang katapat nila taglay ang 33% national TV ratings.
Sarah kahati ang pamilya sa magiging BF
Mabigat talaga ‘yung dalahin ni Sarah Geronimo na kailangang tanggapin ng lalaking magmamahal sa kanya.
“Package ako, kasama ko ang pamilya ko,†mariing pahayag niya. A very tall order indeed dahil sa puntong ito, sa edad niya, dapat ay naihanda na niya ang kinabukasan ng mga magulang niya at naibigay na ang pangunahing pangangailangan nila.
Samantala, hindi lamang ang buhay niya ang gusto niyang pakialaman ngayon kundi maging ang career niya. Since malapit na siyang mag-25 years old, gusto niyang may say siya sa pagpapatakbo ng buhay niya’t career.
Kris inggit sa may mga anak na babae
Hindi nakapagtataka kung kainggitan ni Kris Aquino ang hindi pagkakaroon ng anak na babae. Sa pagkakikay nga naman niya ay wala siyang mapagbuhusan ng kanyang panahon ‘di tulad ng dalawang apat na kabataang babae na anak ng mga artistang sina Maricel Laxa at Marjorie Barretto na naging panauhin niya nung Miyerkules ng umaga sa Kris TV. Ilang ulit niyang nabanggit ang panghihinayang sa ‘di niya pagkakaroon ng babaeng anak. In fairness, maganda ‘yung panganay ni Marjorie Barretto na nag-guest sa show. Alam na alam mo na kapag nag-decide itong mag-artista ay madali ring sisikat dahil napakaganda nito. Nakuha niya ang ganda ng kanyang ina at mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine.
Andre nanganak na
Hindi lang pala ang pakikipag-kissing scene ang kinailangang pag-aralan ni Andrea Torres sa kanyang pagganap sa seryeng Sana ay Ikaw na Nga kundi maging ang pagbubuntis at pagdadala ng bata. Nanganak din siya sa serye at ngayon ay tatlo na sila nina Carlos Miguel (Mikael Daez) ang nanganganib sa kamay ng character ni Ryza Cenon na ipinaghihiganti si Gabby Eigenman.