Hanggang ngayon mapupuri mo pa rin ang pagiging thoughtful ni Nora Aunor sa kanyang bff na si John Rendez. Nagpa-dinner ito bilang selebrasyon ng birthday ni John at nakita sa dinner ang anak na si Matet at ang asawa nito. Pero ‘wala yung iba pang mga anak ng Superstar. Bakit kaya? Imbitado ba sila?
Derek dawit sa problema nina Cristine at Rayver
Sina Cristine Reyes at Rayver Cruz naman, napipinto lamang na mag-break ay idinadamay pa si Derek Ramsay. Bakit hindi na lang sila maghiwalay kung talagang maghihiwalay sila at huwag nang magdamay pa ng iba. Hindi naman kaila na may non-showbiz girl si Kidlat kaya malabong maging sila ni Cristine.
Public service show ni Pacman hindi bagay sa gabi
Sana hanapan ng mas magandang time slot si Manny Pacquiao, huwag sa gabi dahil isa itong public service program. Ang audience ng mga ganitong uri ng palabas kundi sa umaga ay sa hapon. Pero kung naniniwala ang GMA na may pag-asa sila sa slot na ito, eh good luck sa kanila. Kailangang-kailangan ng Pambansang Kamao ng isang matagumpay na programa.