Magkaiba ang sinasabi nina Kim Chiu at Maja Salvador sa presscon the other night ng Ina, Kapatid, Anak na mag-uumpisa na ang Book 2 sa January 14 tungkol sa isyu kay Gerald Anderson.
Si Kim gulat siya na pinatulan ng kanyang bestfriend ang kanyang ex na aktor. Pero si Maja idinenay na may relasyon na sila. Nagpunta raw sila ng actor sa Misibis kamakailan dahil bridal shower ng pinsan niya at nagkataon naman na gusto rin ni Gerald na mag-Misibis kasama ang mga barkada.
Napag-usapan daw nila ito nang minsang magkasama sila sa Davao. Nauna na rin silang nagkasama sa 24/7 in Love. “May isa kaming pagsasama. So sa plane, napag-usapan namin ang Misibis. And nasabi ko na parang maganda dun, maganda ‘yung activities doon,†simula ni Maja.
Kasi raw ay nagtatanong si Gerald kung saan ‘yung magagandang lugar. “Kaya nasabi ko yun. Tapos sabi niya, humingi siya ng number kung ano. Sabi ko, “Sige magbibigay ako ng number para ma-check mo kung okay.’
“Tapos after nun, nagkita kami sa Italian Festival. Nasabi ko na ‘uy, ‘yung tungkol sa Misibis, pupunta ako with my cousins, bonding, kasi doon na ang bridal shower, inaÂyos ko’. Tapos sabi niya, ‘sige, ayusin ko rin’.
“So, ganu’n lang,†katuwiran ni Maja na hindi pa natatagalan nang maghiwalay sila ni Matteo Guidicelli.
At ipinasa ni Maja na kay Gerald na itanong kung anuman ang meron sila ngayon.
Pero sinabi ni Kim na : “For me, I’m happy for them. Wala naman pong masama, pareho silang single at maÂging masaya na lang tayo sa kanilang dalawa. NakaÂka ÂÂlÂungkot lang kasi ‘yung friendship ay nasayang.
“Nagulat at nabigla ako. Hindi ko ini-expect na mangyayari ang ganito. Bakit? Hindi naman ako bitter. Pero parang nalungkot lang ako na’ yung taong sinabihan ko noong time na down ako, parang kinain niya lang ‘yung sinabi niya.
“We (Maja and I) are good, we are okay. I don’t care (about them). Bahala na siya. She knows Gerald, who Gerald is.
“We can work professionally at nagawa naman po namin ‘yon at maganda naman po ang mga eksena namin (sa Ina, Kapatid, Anak),†diin ni Kim pagkatapos ng presscon.
“(Maja) asked permission from me and I said, bakit kailangan pang magpaalam eh wala na ako kay Gerald, wala na talaga. Naaano lang ako na ang daming nagtatanong sa akin about Gerald. Bakit? Ang tagal na, ang dami ng babaeng dumaan after ako, hindi lang ako.
“Nakakapagod na kasi ‘yung tanong kayo nang tanong sa akin tungkol kay Gerald and ang dami niya na pong dinaanan na babae, ‘di ba? Hindi lang naman po ako. Bakit hindi n’yo po hingin yung opinion ng ibang babae? Marami naman po sila,†pagpapatuloy ni Kim.
“And it’s been (almost) three years (since the breakup) and the press keep on asking me, if I’m okay and if I’m doing fine… Of course, I’m doing fine. Ang tagal ko nang naka-let go and ayoko naman magpakatanga,†dagdag pa niya.
Pero ‘di ba ang huling na-link kay Gerald ay si Sarah Geronimo na kaibigan din ni Maja? Nagpaalam din kaya si Maja kay Sarah?
At any rate, ang Ina, Kapatid, Anak ay obra ng dalawa sa mga pinakamahuhusay na direktor sa bansa na sina Don Cuaresma at Jojo Saguin.
Abangan din sa pagbubukas ng book 2 ang pagpasok ng bagong karakter sa istorya—si Diego Medina, na gagampanan ng 8th Cinema One Originals Film Festival Awards Best Actor na si Alex Medina.
Siyempre, kasama rin sa series sina Xian Lim and Enchong Dee with Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Pilar Pilapil, and Eddie Gutierrez.
Kita ng 2012 MMFF lumampas sa P700 M
Opisyal nang natapos last December 8 ang 2012 Metro Manila Film Festival. At dapat kahapon maglalabas ng box office gross ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Chairman Francis Tolentino. Pero ‘di natuloy. Ngayong araw na lang daw ire-release ayon sa PRO ng MMFF.
Pero ayon sa usap-usapan wala nang nagbago sa standing ng walong pelikula. Nanguna na nga ang Sisterakas ng Star Cinema na pinagbibidahan nina AiAi delas Alas, Vice Ganda, and Kris Aquino.
At lumampas naman daw sa inaasahang P700 million ang kinita ng MMFF 2012 dahil sa Sisterakas, One More Try at Si Agimat… mahigit P600 million na.
Anyway, hintayin natin ang announcement ng MMDA today. Naging abala nga naman si Chairman Tolentino sa prusisyon ng Mahal na Nazareno kahapon kung saan siya personal na tumulong para maging maayos ang daloy ng prusisyon. Nagtagumpay naman sila dahil taliwas sa inaasahan, naging maayos ang daloy ng traffic sa Manila area – sa mga lugar na hindi dinadaaÂnan ng prusisyon dahil naging maaga ang panawagan nila sa mga motorista.