The Final Judgement ipapalabas sa ibang sinehan
MANILA, Philippines - Ang hit movie sa Japan na The Final Judgement ay mapanood na sa mga piling sinehan sa Metro Manila.
Ang The Final Judgement ay isang Japanese political thriller movie kung saan ang balance of power ng mundo ay magbabago sa paghahari ng batas militar sa mga bansa sa Asya.
Matapos ang tangkang pananakop sa bansang Japan nang tinuturing na Asian superpower, ang bansang Ouran, ang mga bidang sina Shogo Washio (Kota Miura) at Kenzo Nakagishi ( Ken Kaito) ay nag-aklas upang labanan ang pananakop sa pamamagitan ng pagbuo ng Future Restoration Party. Kumandidato sila sa House of Representatives ngunit pawang nabigong manalo.
Makalipas ang apat na taon, ang Japan ay tuluyan nang sinakop ng Ouran. Sinikil ang freedom of speech at relihiyon kung saan walang habas na pinapatay ang mga taong nagsasagawa ng kilos protesta. Dahilan upang si Shogo ay sumali sa underÂground religious organization na ROLE, na pinamumunuan ng ama ni Kenzo (Ryo Tamura).
Naniniwala ang grupo ni Shogo na ang taos-pusong pananalig sa Diyos ang kanilang tanging sandata upang supilin ang kampon ng kadiliman at palayain ang Japan mula sa pananakop.
Pinangungunahan ng magagaling na actor na sina Kota Miura, Umali Thilakarathna, Ken Kaito, Ryo Tamura, at Joe Shishido.
Magkakaroon ito ng red carpet premiere night sa January 25, 2013, SM Mega Mall Cinema 10, 7:00pm. Magsisimula naman ang regular showing sa January 31 sa mga sinehan sa Metro Manila.
- Latest