Muling mapapanood sa isang teleserye si Carmina Villaroel. Kasama ang aktres sa May Isang Pangarap na malapit na ring magsimula sa ere.
Ibang-ibang karanasan daw para kay Carmina ang kanyang bagong proyekto. “First time ko makakasama si Ms. Vina Morales tapos may introducing na dalawang bata rito na talagang nag-audition pa sila para lang makuha nila ‘yung role nila. Sa show na ito siguro makikita kung paano maging isang mapagmahal na anak at saka mommy. Although hindi naman talaga ako ‘yung mommy dito sa istorya. Pero sinasabi nga nila, ang pagiging ina raw, kailangan bang iluwal mo ‘yung bata or puwede bang lumalabas lang ‘yung mother instincts mo? So at least dito magagawa ko lahat ‘yun,†pahayag ni Carmina.
Kahit magsisimula na ang teleserye ng aktres ay hinding-hindi naman daw niya iiwan ang pagho-host ng programang Showbiz Inside Report. “Kasi sa hosting I can be myself. Parang when I host, that’s me. That’s the real Carmina, wala akong ina-acting-an doon, ako ‘yun. So walang pretensions, no inhibitions. Sa acting naman, kasi kahit na nagpapatawa ako, meron din naman akong dramatic side so at least naman ‘yun nalalabas ko rin. At saka masarap kaeksena ‘yung magagaling na artista ng ABS-CBN. MagagaÂling na direktor din nakakatrabaho ko. So at least iba’t ibang side ‘yun, iba-ibang side ni Carmina ‘yung makikita mo,†paliwanag ng aktres.
Sam hindi pa isinusuko ang pangarap na career sa Amerika
Ngayong taon ay maraming proyekto ang nakapila kay Sam Milby. Bukod sa teleseryeng Kahit Konting Pagtingin ay gagawin din ng aktor ang Against All Odds. Makakasama ni Sam sina Paulo Avelino at Angeline Quinto sa KKP (Kahit Konting Pagtingin) habang si Judy Ann Santos naman ang kasama ng aktor sa AAO (Against All Odds). “Ang alam ko may gagawin akong movie din actually, I think dalawa, I’m not sure. Basta I’m looking forward sa pagiging busy, sa lahat and having a positive, talagang positive year,†nakangiting bungad ni Sam.
Matatandaang nagpunta sa Amerika ang aktor noong isang taon para subukan ang career sa Hollywood.
Gusto raw bumalik sa U.S. ni Sam sa susunod na buwan para sa iba pang auditions doon kahit marami siyang proyektong ginagawa sa Pilipinas. “Dapat pabalik-balik.
Di ako puwedeng bumalik ngayong February, so depende, pero balak ko pa rin, babalik pa ako,†giit ng aktor.
Ayaw daw pakawalan ni Sam ang mga oportunidad dito sa Pilipinas kaya kailangang magpabalik-balik sa Amerika kung kinakailangan. “Sobrang blessed na ang daming trabaho dito so I want to work while I’m still here pero pabalik-balik. So starting over pa lang doon that’s why back and forth dapat,†pagtatapos ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS