^

PSN Showbiz

Kidlat ni Derek pinasok ng commercial!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pinanood ko ang Kidlat ng TV5 noong Lunes dahil kasama sa cast si Christopher De Leon.

Na-impress ako sa Kidlat dahil sagana ito sa TV commercials na hindi surprising dahil si Papa Tony Tuviera ang producer ng super-serye ni Derek Ramsay.

Ang Kidlat na yata ang may pinakamaraming TV ad sa lahat ng mga programa ng Kapatid Network kaya congrats kay Papa Tony at sa buong cast at production staff ng show.

At totoo ang mga komento na bagay na super-hero si Derek dahil sa kanyang height, body-built, at liksi ng pagkilos.

Dream ni Derek na gumanap sa pelikula bilang Totoy Bato, ang karakter na ginampanan noon ni Fernando Poe, Jr.

Hindi malayo na matupad ang pangarap ni Derek dahil sa husay niya sa kanyang action scenes sa Kidlat. Papasa si Derek na action star.
Happy si Christopher de Leon sa role niya sa Kidlat.

Gustung-gusto niya ang kanyang karakter bilang tatay ni Kidlat.

Special participation lang si Christopher sa serye kaya wala itong conflict sa Pahiram ng Sandali, ang primetime show niya sa GMA 7.

Marian matagal niligawan bago nagpa-cover

Seksing-seksi si Marian Rivera sa cover ng 150th issue ng FHM.

Matagal nang nililigawan si Marian para maging cover girl ng FHM pero ngayon lamang natupad.

Si Marian ang Sexiest Pinay ng FHM noong 2008 at five years later, saka lamang niya napagbigyan ang request na maging cover girl ng special issue ng number one men’s magazine sa Pilipinas.

Ibang-iba ang Marian na nasa cover ng FHM. Hindi agad siya nakilala ng mga mhin na loyal readers ng FHM.

Happy naman si Marian dahil pataas nang pataas ang rating ng Temptation of Wife mula nang magpalit siya ng pangalan at maging palaban.

Gustung-gusto ng mga Pinoy na lumalaban sa mga kontrabida ang mga bida na inaapi at isa ito sa mga dahilan kaya humahataw sa rating ang Temptation of Wife.

Siyempre, malaking factor din ang pasabog na sexy dance ni Marian na talagang umagaw ng atensiyon ng televiewers.

Heart at Geoff, marami nang nagbago

Kagabi ang presscon ng Forever, ang bagong afternoon drama series ng GMA 7.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, ang Forever ang hahalili sa timeslot na mababakante ng Magdalena na nag-last taping day na.

Sina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann ang mga bida sa Forever. Naging magka-love team ang dalawa noong mga contract star pa sila ng ABS-CBN.

Marami nang nagbago sa kanilang mga career at love life. Karelasyon na ngayon ni Geoff si Carla Abellana at boyfriend ni Heart si Sen. Chiz Escudero.

vuukle comment

ANG KIDLAT

CARLA ABELLANA

CHIZ ESCUDERO

CHRISTOPHER DE LEON

DEREK

DEREK RAMSAY

FERNANDO POE

KIDLAT

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with