Bong walang kakaba-kaba sa Indio

I’m sure kinakabahan na ang mga think tank ng mga kalabang network sa nalalapit na pagsisimula ng Indio ni Sen. Bong Revilla, Jr. Sa trailer pa lamang ay kitang-kita na talagang pinalaki, pinaganda, at pinag-isipan nang husto ng GMA ang bago nilang epiko. Wala namang kakaba-kaba ang senador-aktor.

In fairness sa serye, all out ang magiting na senador sa kanyang pagpo-promote ng bago niyang programa sa Kapuso Network na ginawang parang isang totoong pelikula na ang kaibahan lamang ay sa small screen ito mapapanood at libre pa. Sa trailer pa lamang ay ariba na ang Indio.

Sharon kinawawa sa sariling programa

Nakahihinayang naman kung talagang wala na ang programa ni Sharon Cuneta sa TV5. Bakit kaya hindi na lang i-reformat? Marami namang choices kesa tanggalin ito. Ilalagay n’yo naman siya sa alanganin. After all, kayo ang nag-isip ng format, hindi niya kasalanan kung hindi tanggap ng nanonood ang mga pinag-uusapan sa kanyang show o ang mga iniimbita para makausap niya.

Magaling naman siyang host pero talagang mali lang ang programa. Palitan n’yo na lang pero huwag n’yong tatanggalin.

Show comments