^

PSN Showbiz

Taste of Japan ilalatag ni Sandra Aguinaldo sa I-Witness

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Japan... isang bansa kung saan nagkakasalu­bong ang moderno at makaluma. Isang lugar kung saan ang kasaysayan ay parte ng pang araw-araw na pamumuhay at ang mga tradisyon ay na­natiling buhay.

Ang Morioka City sa Iwate Prefecture ay nakila­lal noon bilang isa sa mayayaman na bayan ng Japan. Dahil sa itinayong kastilyo roon noon, umus­bong ang bayan ng Morioka at nagdagsa­an ang mga mararangyang negosyante. Dahil sa kanila, nagsulputan ang maraming ryotei — o tra­disyonal na Japanese tea house kung saan mapapanood ang pagtatanghal ng mga geisha.  

Wala na ang kastilyo ngayon, at nangaunti na rin ang mga ryotei at geisha sa lugar pero may bakas pa rin ng makasaysayang nakaraan nito.

Ang tila paubos na bilang ng mga geisha sa ngayo’y modernong Japan ay isang isyung uma­amba sa kanilang kultura at tradisyon. Pero makalipas ang 19 na taon, makakakita nang muli ang bayan ng Morioka ng mga bagong geisha.

Ngayong gabi, titikim si Sandra Aguinaldo ng mga pagkaing inihahanda para sa mga VIP sa Japan at manonood ng pagtatanghal ng mga geisha.

 Ang I-Witness Taste of Japan ay co-production ng GMA News and Public Affairs at TV Iwate Japan. Huwag itong palalampasin ngayong gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

ANG I-WITNESS TASTE OF JAPAN

ANG MORIOKA CITY

DAHIL

IWATE JAPAN

IWATE PREFECTURE

MORIOKA

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

SANDRA AGUINALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with