Kakaibang greeting Derek nilabasan ng dila ng nakasalamuhang sosyalera

Ang bongga ni Derek Ramsay ha?! Ngayong araw palang magsisimula ang airing nang pinagbibidahan niyang Kidlat pero ang dinig naming ay inihahanda na agad ang next project niya sa TV5 para after Kidlat may teleserye siyang mapapanood.

Drama raw ang concept ng next project ni Derek at sila ni Nadine Samonte ang magkapareha. So, kung sa Kidlat ay magiging kontrabida ang role ng aktres sa kalagitnaan ng story, sa bagong teleserye nila ay sila na talaga ang magkatambal.

Ang isang nakakagulat sa dramang pagsasamahan nina Derek at Nadine at ang magdidirek nito, bago siya sa TV5, wala kina Direk Mac Alejandre, Eric Quizon, Mike Tuviera, at Joel Lamangan, basta magugulat din kayo ‘pag inyong nalaman.

Speaking of Derek, sana hindi namin nakalimutang itanong sa kanya ang insidente sa dinaluhan niyang book launching. Nagulat daw ang aktor sa isang babae na kanyang binati dahil sa halip na “hello” ang isagot, inilabas nito ang dila at binasa ang labi na para bang gustong sabihing gusto niyang tikman ang aktor.

Matagal daw bago nakapag-react si Derek sa ginawa ng babae na sosyalera. Natawa na lang ang Kapatid hunk nang ikuwento sa mga kaibigan ang kakaibang experience. Hindi bagets at hindi rin sa 20s ang edad ng babae, mid-30s na raw.

Aktres itinatago ang sakit na ginawa ng ex-BF

Hindi halatang nursing a broken heart ang aktres na ito dahil never siyang nagpa-interview sa TV na umiiyak, walang tini-tweet na masama laban sa ex-boyfriend at hindi nagkukuwento sa pag-iwan sa kanya ng ex na isa ring aktor.

Tuloy ang buhay sa aktres kahit nagdurugo ang puso dahil two years din ang naging relasyon nila ng aktor. Pasalamat ito na may bago siyang project at dito naka-focus ang isip niya at thankful din sa pamilya at mga kaibigan na never siyang iniwan at pinalalakas pa ang loob.

Naalala namin ang sinabi ng aktres bago sinagot ang ex noon, takot siyang makipag-relasyon uli sa isang taga-showbiz dahil baka maulit ang nangyari sa kanila ng first BF niya na idine-deny siya at pagkatapos ay iniwan sa ere. Naulit nga ang kinatatakutan at mas masakit pa ang ginawa sa kanya ng ex ngayon.

Pareho naming pina-follow ang ex-couple, bakit parang pilit ang pagiging masaya ng aktor? Hindi pa namin nasisilip kung na-unfollow na nila ang isa’t isa o pina-follow pa rin.

Julie Anne iniyakan ang mga paang na-sprain habang nasa stage

Isa kami sa guilty at inakalang kasama sa production number ni Julie Anne San Jose kahapon sa Party Pilipinas na kunwari’y madudulas siya pero totoo pala. She fell sa dance floor at umiyak sa sakit at sabi sa Twitter na-sprain pala.

Kahit nasaktan, itinuloy at tinapos pa rin ni Julie Anne ang number niya pero obvious na nasaktan dahil umiyak nga. Si Elmo Magalona ang unang sumaklolo sa kanya, tumakbo itong nilapitan at itinayo ang ka-love team na matagal nakaupo.

Kasama rin sa sumaklolo ang young singer na si Frencheska Farr, agad itong pumunta sa dressing room kung saan dinala ang kaibigan para alamin ang lagay.

‘Katuwa lang ang sagot ng JuliElmo fans na tinanong namin kung ano’ng nangyari kay Julie Anne dahil iba-iba sila ng version. May nagsabing nadulas, may nagsabing nadapa, at merong ang tingin ay natapilok ang kanilang idolo. Mukha namang okay si Julie Anne dahil bumalik pa siya for another production number.

 

Show comments