Ngayon ang last day ng 38th Metro Manila Film Festival (MMFF) at bukas ay back to normal ang mga sinehan dahil ibabalik na nila ang mga foreign movie na naging casualty ng MMFF mula noong Dec. 25 hanggang kahapon.
Hinihintay ng lahat ang showing ng Les Miserables dahil sa mga positive review ng pelikula nina Hugh Jackman at Anne Hathaway na maldita sa tunay na buhay.
Ipinalabas sa Startalk noong Sabado ang exclusive interview ni Papa Ricky Lo kay Anne pero na-edit ang mga eksena na nagmamaldita siya at pinairal ang pagiging pilosopo. Nangyari ang interbyuhan portion nina Papa Ricky at Anne sa Tokyo, Japan.
I’m sure, maigsi ang pasensya ni Anne nang dumalo siya sa presscon ng Les Miserables sa Tokyo dahil hindi siya maka-get over sa paglabas ng kanyang mga litrato na kita ang pearl of the orient niya. ’Yan ang karma at napapala ng mga babae na hindi nagsusuot ng panty!
AiAi sigurado na sa trono ng MMFF
Totoo ang balita na more than P300 million na ang box-office gross ng Sisterakas kaya malamang na si AiAi delas Alas ang ideklara bilang Box-Office Queen ng 2012.
Siyempre, malakas ang laban ni Vice Ganda sa Box-Office King title dahil siya ang lead actor sa Sisterakas.
Madaragdagan pa ang kikitain ng Sisterakas dahil showing pa rin ito sa mga sinehan.
Regine abala na uli sa kasunod na concert
Foursome ang title ng Valentine show nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at Martin Nievera sa The Arena sa Mall of Asia sa Pasay City sa susunod na buwan.
Foursome ang pamagat ng concert dahil apat sila na magtatanghal. Ang rehearsals para sa kanilang coming soon concert ang pagkakaabalahan ni Regine pagkatapos ng successful repeat ng Silver Rewind noong Jan. 5.
Mabilis ang takbo ng araw kaya magkakaroon ng early presscon ang Foursome. Mahirap pagsama-samahin sina Pops, Martin, Ogie, at Regine dahil sa kanilang mga busy schedule.
Mga Pinoy sa California updated sa PSN
Sosyal ang Pilipino Star Ngayon (PSN) dahil nababasa na ito sa iPad. Hindi naman ako techie at wala akong iPad. Ikinuwento lang ng aking Pareng Oca Atienza na nagbabasa siya ng PSN sa kanyang iPad. Hindi pumapalya si Pareng Oca at ang kanyang misis na si Loida sa pagbabasa ng PSN, hitsurang mga residente sila ng California, USA. Ito ang latest e-mail na natanggap ko mula kina Pareng Oca at Mareng Loida:
“Kamusta ka na Mare? Happy New Year! Naku, nakalimutan na naming lahat ang nangyayari sa mundo. Nagkaapo na ako. First apo and it’s a girl. Rue is the name. Lokang-loka ang Mareng Loida mo.
“Anyway, lagi ka naman naming nakikita. ’Yung PSN, merong daily print version sa iPad ko kaya updated kami sa news sa ‘Pinas. Anyway, you are always welcome dito sa amin kaya tawag ka lang ’pag nagawi ka dito sa California. Give my regards to my inaanak and her family. I hope she can come and visit us sometime. By the way, ilan na ba apo mo? Ok mare, sana ay bigyan ka pa ng maraming blessings and a healthy new year.â€