Mismong si Vice Ganda ang tumatanggi na siya ang susunod kay Dolphy para maging Hari ng KoÂmedya.
“Hindi ako puwedeng maging Comedy King. Si Dolphy lang ’yun. There is only one Dolphy. Ayaw kong maging next Dolphy dahil mahirap ’yun. I can only be the first and last Vice Ganda,†pahayag ng komedyante na ang pelikulang Sisterakas ay kasalukuyang nangunguna sa takilya. Simula nang umpisahan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) at hanggang ngayong mahigit isang linggo nang paÂwang mga local film ang napapanood sa mga siÂneÂhan sa Kamaynilaan, hindi na natinag sa kanyang posisyon ito bilang nangungunang pelikula sa walong pelikula na kasali sa festival.
Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ng kanyang pelikula sa takilya, may lungkot na nadarama si Vice Ganda dahil sa takbo ng pangyayari ay mukhang mataasan pa ng Sisterakas ang kita ng Praybeyt Benjamin, ang pelikula niya na humahawak ng record bilang pinakamalakas na pelikula sa takilya.
“Siyempre, baby movie ko ang Praybeyt Benjamin. Mga P347M ang kinita nito sa takilya at ngayon pa lamang pagkatapos ng mahigit isang linggong pagpapalabas ng Sisterakas ay mukhang maaabutan na nito ang kita ng Praybeyt Benjamin,†aniya.
Pero ayaw solohin ni Vice ang tagumpay ng pelikula niya sa MMFF.
“Hindi ako mag-isa sa movie, tatlo kami nina Kris (Aquino) at AiAi (delas Alas),†pagtatanggol niya.
Sa kabila ng tinatamasa niyang tagumpay sa takilya, hindi pala magastos si Vice Ganda. Pawang mga kailangan lamang niya ang binibili niya. Tulad ng damit at sapatos at ibang simpleng bagay na kailangan niya sa kanyang trabaho.
Dadalawa lamang ang hikaw ko. Dalawa lang din ang singsing ko at may isa akong Rolex watch. Ang meron ako ay mga ilang kotse, apat,†sabi niyang walang pagyayabang kundi pagmamalaki dahil nabili niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagsisipag. Talagang lagare siya sa trabaho. Katunayan, nung kausap namin siya, ay nilalagnat siya.
“Masama ang pakiramdam ko kanina pa. Kaya nga nag-take ako ng paracetamol,†paliwanag niya sa kawalan niya ng sigla.