Donaire at Rufa Mae buena mano sa SGL
MANILA, Philippines - Bagong mga sorpresa ang ihahatid ni Sarah Geronimo ngayong Linggo (Enero 6) dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama niya sa kanyang solo musical variety show na Sarah G. Live! ang Pinoy boxing champ at ESPN’s Boxer of the Year na si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.
Bukod kay Donaire, abangan din ang first duet ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla kasama ang kanyang ina na si Karla Estrada; at ang espesyal na pagbisita ng sexy-comedienne na si Rufa Mae Quinto sa Popstar.
Back-to-back show-stopping performances naman ang dapat abangan sa centerstage sa concert production number ng OPM band vocalists na sina Ney Dimaculangan at Yael Yuzon; na susundan ng punong-puno ng katatawanang kantahan nina Pooh at K Brosas at ng makapigil-hiningang smash-up dance number nina Jopay Paguia ng Sexbomb, Marco McKinley ng Universal Motion Dancers, Joshua Zamora ng The Manoeuvres, at Teacher Georcelle ng G-Force.
- Latest