Bakit naman kailangang masisi ni Judy Ann Santos sa hindi pagna-No.1 sa takilya ng Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako? Pang-ilang Agimat/Kabisote na rin ito, baka naman nagsawa na ang manonood at gusto naman ng ibang putahe sa filmfest.
Nagkataon din na unang filmfest entry ni Vice Ganda ang Sisterakas at nagkasama pa sila ng ilang taon nang nagri-reyna sa takilya na si AiAi delas Alas. Kaya nakatagpo ng bagong istorya at kumbinasyon ang manonood na sinubukan nila at nagustuhan naman nila.
Kaya huwag sisihin si Juday o sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Bossing Vic Sotto, nagkataon lang na gusto ng bagong panoorin ng tao. Kumita naman sila, ’di ba?
Sarah laya na
Good news na hindi na pala nirerendahan ng kanyang mga magulang si Sarah Geronimo! Long overdue na ito.
Ngayon ay mararamdaman na ni Sarah kung paano mabuhay ng walang tanikalang nakakabit sa kanyang mga paa’t kamay. She’s the type naman na lumaking disiplinado at may paggalang sa magulang. Alam na alam mong hindi niya aabusuhin ang kanyang freedom. Kaya dapat lang talaga na pagkatiwalaan siya ng kanyang parents.
Sen. Bong gusto munang pagpulitikahin si Jolo
Hindi pa nga ba blessed ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang relasyon ng kanyang anak na si Jolo kay Jodi Sta. Maria? O baka naman ayaw lang niyang mag-asawa ng maaga ang dalawa. Kahit siguro may annulment na si Jodi ay ayaw pa rin niyang magpakasal ang dalawa.
Baka ang gusto niya ay ma-establish muna sa pulitika si Jolo. ’Yun nga kaya ang dahilan?