^

PSN Showbiz

2013 magdadala ba ng suwerte o kamalasan?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang espesyal na pagsalubong sa bagong taon ang ihahatid ng 2012 PMPC Best Public Affairs host na si Boy Abunda ngayong Sabado (Enero 5) tampok ang iba’t ibang kuwento ng bagong buhay, bagong pangarap, at bagong pagsubok sa ikalawang bahagi ng New Year special ng The Bottomline with Boy Abunda. Kasama pa rin ang popular showbiz personalities tulad nina Dingdong Dantes, Lara Quigaman, Niña Corpuz, Zendee Rose Tenerefe, Jeric Teng, Ruel Bayani, Stargazer, at Kevin Balot, ipagdiwang ang taong 2013 at alamin ang iba’t ibang mga plano na nais nilang matupad sa bagong kabanata ng kanilang mga buhay.

Paano nga ba babaguhin ng bagong taon ang kanilang mga karera?

Suwerte o kamalasan nga ba ang magiging dulot nito? Matapos ang iba’t ibang pangyayari noong 2012, handa na nga ba silang harapin ang mga bagong hamon na darating ngayong 2013?

Tampok din sa episode ngayong Sabado sina Arvin Dauz, Liane Liwanag, Vernette Arellano, Maribel Bautista, Santy Layno, Api Navarro, Chit Angelo, Jing Monis, Alon Dela Rosa, Milagros Maagalang, Geolete Esguerra, Suzette Antonio, at Cha at Anton Achacoso. Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng New Year special ng 2012 PMPC Best Public Affairs Program na The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

ALON DELA ROSA

ANTON ACHACOSO

API NAVARRO

ARVIN DAUZ

BAGONG

BANANA SPLIT

BEST PUBLIC AFFAIRS

BOY ABUNDA

NEW YEAR

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with