Star Cinema naka-jackpot sa MMFF 2012, halos kumita ng P300 M

Ang suwerte ng Star Cinema hah! Dalawang entry nila ang nanguna sa listahan ng box office hit movies ng MMFF 2012. No. 1 & 2 ang Sisterakas with an earning of P167M at One More Try, P91M.

Akala ko No. 2 ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako, ‘yun pala No. 3 ito with P77M; 4) The Strangers, P53M; 5) SRR 14, P52M; 6) Sosy Problems, P34M; 7) El Presidente, P20M; 8), Thy Womb, P7.9M.

At least kumitang lahat ang walong pelilkula. Kung kulang pa sa kita ang Agimat at El Presidente, I’m sure babawi rin ang mga ito.

Tatlong Hari nakakalimutan na

Bagay lang talaga sa titulong 3 Hari sina FPJ, Dolphy, at Francis Magalona. Ang una ang Hari ng Aksiyon, ang ikalawa ang Hari ng Comedy samantalang Hari ng Rap si Francis M. At bibigyan parangal sila ni Ricky Reyes sa programa nitong Gandang Ricky Reyes Na ‘Toh bilang pagdiriwang ng Three Kings na mukhang nakakalimutan na ng marami sa atin gayung dati-rati ay ipinagdiriwang ito tuwing makakatapos ang Bagong Taon. Mabuti pa si Mother Ricky, nakaalala.

Kris nagsi-share naman

Okay na sa akin na malamang taklesa si Kris Aquino pero hinahangaan ko siya sa pag-amin niyang kailangan niyang magpaka-simple kung papasukin niya ang pulitika. Inamin din niya na maluho siya sa buhay, pero sinabi rin na pinaghihirapan niya bawat sentimong ginagastos niya.

Kung ako naman ang tatanungin, kung kaya naman niyang maging maluho, bakit pagkakaitan niya ang sarili niya? Hindi naman siya maramot. Ang masama ay kung selfish siya, pero kung nagsi-share naman siya, ano ang dapat niyang ikahiya?

Show comments